Tuesday, September 16, 2025

MMFF spox, itinama ang reklamo ng ibang fans ni ate vi!


 Sinagot ni MMDA Spokesperson Noel Ferrer ang ibang fans ni Star For All Seasons Vilma Santos na nangunguwestiyon kung ba’t inuna si Judy Ann Santos na maging Hall of Famer gayung mas maraming beses na raw nanalo si Ate Vi sa MMFF.

Ayon kay Jeannie Wong : “Selective ang pag award ng MMFF ng Hall of Famer. Si Vilma Santos mas maraming MMFF awards bakit di siya nabigyan ng MMFF Hall of Famer. Paki sagot. May galit ba kayo sa kanya? Kaya ba di niyo siya binigyan ng BA sa MMFF 24 para paboran ang ilan personalidad maging Hall of Famer? Shame on all of you. Corrupt din kayo. Mahiya naman kayo!!!” buong message ni Jeannie sa aming Facebook account.

Kaya naman hiningan ko ng komento si Noel tungkol dito dahil may ilang ding lumabas na halos ganito ang komento : “GALIT NA GALIT TAYO SA CORRUPT (kaya nga may rally sa Sunday eh)- ANG SABI NGA NI MAYOR VICO, dapat hindi inormalize ang CORRUPTION na nakakadiri!!! Pero ang ganitong argumento, walang merit sa barangay man o sa Ombudsman. So please stop the hate! Ayaw ni Ate Vi ng hate!!!

“Ang sabi nga niya sa isa sa paborito kong pelikula ng National Artist Ishmael Bernal, “ang ganda ng mundo!…ang sarap mabuhay!” Kaya world peace na lang please!!! ”

Agree. Ang daming mga ganap sa ating paligid na dapat tutukan kabilang na ang pagmahal ng mga bilihin na ang laki talaga nang itinaas ng presyo.

Saka ayaw ni Ate Vi ng ganito.


Gerald in denial sa kanilang break up?! Julia Barretto, exclusively dating na sa super rich businessman?!

 

In denial pa ba si Gerald Anderson sa break-up nila ni Julia Barretto?

“We’re ok” lang kasi ang naging sagot ng aktor nang tanungin siya ni Toni Gonzaga sa Toni Talks nung napag-usapan ang tungkol sa real status nila ng (ex) girlfriend niya three months ago.

“Everyone thinks na nag-break kayo ni Julia,” sabi Toni Gonzaga that time.

“No, we’re okay. Kaya nga kanina hinatid ko siya sa airport, papunta silang Dubai. Kaya medyo napaaga ako,” sagot naman ni Gerald.

“So it’s not true?” susog ni Toni that time.

“No,” mabilis na sagot ulit Gerald.

“Parang nag-erase raw ng photos?” sundot ni Toni.

“Hindi,” pagtutuwid ni Gerald.

That was three months ago, nag-uumpisa pa lang noon ang sinasabing break up nila ng actress.

Last May pa nang unang napansin ng mga ‘marites’ na hindi na sila nakikitang magkasama.

Like noong kasal ng kapatid ni Julia na si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo, absent ang actor.

Ganundin daw nung birthday ni Marjorie Barretto, mommy ni Julia.

Hindi raw katulad noon na visible si Gerald sa mga ganap ng pamilya Barretto.

Hanggang napansin na rin ng mga follower ni Julia na nagbiyahe siya sa Morocco na hindi na ang actor ang kasama.

Samantalang si Gerald ay nagni-nature trip na kasama ang mga kaibigan.

Naging busy na rin si Gerald sa Sins of the Father.

At higit sa lahat, hindi na rin daw nila pinupusuan ang mga post ng isa’t isa.

Dahil doon tumibay ang ispekulasyon na hiwalay na sila hanggang napabalita na nali-link ang actor sa volleyball player.

Pero nang magkaroon ng set visit ang Sins of the Father, medyo nabawasan ulit ang duda ng ibang hiwalay na nga sila dahil sinabi ni Gerald na “Happy, supportive, alam naman niya hindi ito biro. Siyempre, as much as makuha mo lahat ng suporta ng mga tao sa paligid mo, napakaimportante [ang support niya] para sa mga ganitong responsibilities,” sabi ng actor sa mga kausap na writer nang tanungin siya kung anong sinabi ni girlfriend sa kanyang pagiging direktor na rin.

Sabi pa niya that time, handa siyang idirek si Julia.

Pero iba na ang kuwento ngayon.

Ayon sa super reliable source, exclusively dating na diumano si Julia sa isang miyembro ng old rich family at naging ex ng isang local pretty politician at nilandi rin ng isang beauty queen / actress.

“Magkaiba sila ng social status ni Gerald,” maiksing sabi ng source tungkol sa bagong sinasabing ka-date ni Julia.

Pero medyo hawig daw sa actor.

Kaya ang say ng source, wala nang chance magkaayos sina Gerald and Julia kahit pa sinasabing tuloy ang panunuyo ni Gerald sa ex.

Kung ganun, naiwan sa ere ang actor?

Dahil ang ex niyang si Bea Alonzo stable na rin ang relasyon sa bilyonaryong si Vincent Co habang si Julia nga raw ay miyembro ng alta sociodad ang kasalukuyang dini-date.

So pasok ba ‘yun sa ghosting? Or emotional fatigue?

Maalalang na-label ng ghosting si Gerald nang maging sila ni Julia na hindi pa formal ang break up nila ni Bea.

UP, La Salle palaban pa rin sa titulo pero...

 

Maraming prediksiyon ang mga fans sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament na magsisimula sa darating na Sabado.

Naniniwala ang iba na mananatiling ang defen­ding champion University of the Philippines at De La Salle University ang teams to beat ngayong season.

Pero sa mga coaches, ang host school na University of Sto. Tomas at Natio­nal University ang kanilang napipisil na magbibigay ng magandang laban sa UP at La Salle.

“UST, because that homecourt advantage,” ani UE coach Chris Gavina kahapon sa naganap na press conference sa Gloria Maris, Greenhills, San Juan.

Karamihan ng laro sa first round ay gaganapin sa UST Quadricentennial Pavilion.

“UST at NU, sila ‘yung tingin kong aabot talaga,” ang sa tingin naman ni A­damson coach Nash Racela.

Maging si Bulldogs head coach Jeff Napa ay aminado na malakas ang Growling Tigers.

“Malakas talaga ‘yung UST,” ani NU coach Jeff Napa.

Sa linggo makikilatis ang EspaƱa-based squad, dahil makakatapat agad nila ang dadayong Figh­ting Maroons sa alas-4:30 ng hapon.

Maghaharap sa ope­ning day ang Far Eastern University at Ateneo sa alas-2 ng hapon habang magkakaliskisan sa pa­ngalawang laro ang A­damson University at DLSU sa 4:30 ng hapon.

Samantala, aprubado sa University Athletic Association of the Philippines ang rule na pinapayagan ang mga eskuwelahan na paglaruin ang dalawang foreign student-athletes sa kanilang team na magsisimula sa Season 89.

“This was approved this year and, like all our rules, will take effect the follo­wing season—so starting UAAP Season 89,” pahayag ni UAAP Executive Director Atty. Rene “Rebo” Sa­guisag Jr. “For all sports, teams can have two foreign student-athletes in their pool, but only one can be part of the active roster at a time, with the other on reserve.

Hindi lang sa basketball, pinapayagan ang nasabing bagong rule sa lahat ng UAAP sports.