Tuesday, December 16, 2025
Wednesday, December 10, 2025
Monday, December 8, 2025
Saturday, December 6, 2025
Friday, December 5, 2025
Wednesday, December 3, 2025
Wednesday, November 5, 2025
Sunday, November 2, 2025
Friday, October 31, 2025
Wednesday, October 29, 2025
Saturday, October 25, 2025
Thursday, October 23, 2025
Wednesday, October 15, 2025
Thursday, October 2, 2025
Anak ng bilyonaryong si Joseph Sy nagpanggap na Pinoy
Nagbabala si Senadora Risa Hontiveros na mas lalong lumalalim ang impluwensiya ng China sa Pilipinas matapos mabunyag ang panibagong ebidensiya ng pekeng citizenship na kinasasangkutan ng pamilya ng kontrobersiyal na negosyanteng si Joseph Sy.
Sa kanyang talumpati sa Senado, ibinunyag ni Hontiveros na ang anak ni Sy na si Johnson Cai Chen o Johnson Chua Sy ay may dalawang passport—isang Chinese at isang Pilipino—at dalawang birth certificate na magkaiba ang detalye ng magulang. Giit ng senadora, bawal sa China ang dual citizenship kaya malinaw na may panlilinlang at malaking banta ito sa pambansang seguridad.
“Hindi lang ito simpleng kaso ng pekeng papeles. Ito ay malinaw na operasyon ng mga sleeper agents ng China na nakapasok na sa ating lipunan, Inaresto si Joseph Sy noong Agosto 21, 2025 sa NAIA Terminal 3 ng Bureau of Immigration dahil sa pagpapanggap bilang Pilipino. Lumabas sa imbestigasyon na tugma ang kanyang fingerprints sa isang Chinese national na nagngangalang Chen Zhong Zhen.
Nakadetine ito sa BI detention facility sa Bicutan, Taguig habang iniimbestigahan at nahaharap sa deportation. ekonomiya, at maging sa ating politika,” dagdag ng senadora.
Aniya, konektado si Joseph Sy sa malign influence and foreign interference activities (MIFI) at Hongman Association, isang sindikatong may ugnayan sa Chinese Communist Party.
40 na patay sa habagat, 3 bagyo — NDRRMC
Umakyat na sa 40 ang nasawi dahil sa epekto ng habagat at magkakasunod na Bagyong Opong, Nando at Mirasol, ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Oktubre 2 ng umaga.
Mula sa 37 noong Miyerkoles, nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi, kung saan pinakamarami ay mula sa Bicol Region, 20; Cagayan Valley, 8; Cordillera Administrative Region, 4; tig-dalawa sa Central Luzon at Central Visayas; at tig-isa sa Ilocos Region, Mimaropa, Western Visayas at Eastern Visayas.
Sa kabuuan, apat ang na-validate na casualty, 14 ang nawawala at 41 ang sugatan.
Tinatayang 4.4 milyon katao o 1.1 milyong pamilya mula sa 15 rehiyon ang naapektuhan ng kalamidad.
Alkalde, SB members kinasuhan sa Ombudsman
Nahaharap sa kasong ‘Grave Abuse of Authority’ at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Mauban, Quezon Mayor Bautista Erwin Dwight Pastrana at mga miyembro ng kanyang Sangguniang Bayan sa iligal na pagsususpinde sa labing-siyam na barangay chairmen ng kanilang probinsiya.
Sa inihaing complaint, kasama ni Pastrana sa mga nakasuhan ang buong municipal council. Sa isang panayam, matapos ihain ang kaso, sinabi ni Rodante Almacen, Barangay Chairman ng San Isidro na ang pagsususpinde sa kanila nila Pastrana ay di dumaan sa tamang proseso.
“Anim na buwan pa, ang ipinataw sa amin na suspensiyon, na di dumaan sa anumang formal na hearing,” paliwanag ni Almacen.
Ang kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, aniya, ay dahil sa paggamit ng pondo ng pamahalaan para ibayad sa isang pribadong abogado na nagsampa at siyang gumawa ng reklamo laban sa kanila, dahilan upang sila ay suspendihin. Ipinunto ng mga barangay chairman ang Commission on Audit (COA) Circular at desisyon ng Supreme Court (SC) na nagbabawal sa mga sangay ng pamahalaan na kumuha at gumamit ng serbisyo ng private counsel o abogado upang irepresenta sila sa husgado.
Sa kanilang reklamo, inihayag ng mga kapitan na base sa Section 65 ng Local Government Code (LGC) at sa desisyon ng SC, kinakailangang dumaan sa ‘formal hearing’ at imbestigasyon ang pagsususpinde ng mga halal ng bayan na mga opisyal ng pamahalaan, bago ito masuspinde o tanggalin sa puwesto.
Sina Pastrana at mga local official ay sinampahan naman ng kasong graft sa pagkuha ng private lawyer gamit umano ang pondo ng bayan.
Simbahan nakisanib-puwersa sa Barangay Development Program
Mas lumakas pa ang puwersa ng Barangay Development Program (BDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) matapos na pormal na sumali ang Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC) sa Executive Committee (Execom), kalakip ang pangakong buong suporta para sa kapayapaan at kaunlaran.
Inanunsyo ito sa isang press conference sa MalacaƱang matapos ang ika-8 pagpupulong ng Execom ng NTF-ELCAC, kung saan inilarawan ni PCEC National Director Bishop Noel Pantoja ang pakikipag-ugnayan bilang isang espiritwal na tungkulin at makabayang pananagutan.
“This is a blessing to the church but at the same time to the country… Makakasigurado po kayo sa presence ng church ngayon, babantayan po natin yung ghost projects. At makakasigurado tayo na ang church talaga ay galit sa korapsyon at tinindigan natin ito hanggang ngayon,” pahayag ni Pantoja.
Kinakatawan ng PCEC ang 78 evangelical denominations, mahigit 40,000 lokal na simbahan, at 268 misyon at iba pang organisasyong panrelihiyon. Sa pag-upo nito sa Execom, tiniyak na magiging aktibo ang simbahan sa paghubog at pagmamanman ng mga polisiya at programang tumutugon sa ugat ng insurhensiya.
Sa isang sulat ng suporta noong Setyembre 19, 2025 para sa NTF-ELCAC, binigyang-diin ni Bishop Pantoja na pinupuri ng PCEC ang pamahalaan “sa pag-i-institutionalize ng whole-of-nation, people-centered, at human rights-based blueprint upang tugunan ang ugat ng insurhensiya at makamtan ang inklusibo at pangmatagalang kapayapaan.”
Dagdag niya, ang pagtutugma ng National Action Plan for Unity, Peace and Development (NAP-UPD) 2025–2028 sa mas malawak na balangkas ng seguridad at kaunlaran ng bansa ay nagbibigay ng “makasaysayang pagkakataon upang mai-localize ang mga interbensyon, mapalakas ang monitoring at evaluation, at ma-engganyo ang multi-sektoral na pakikipagtulungan.”



