Tuesday, September 16, 2025

UP, La Salle palaban pa rin sa titulo pero...

 

Maraming prediksiyon ang mga fans sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament na magsisimula sa darating na Sabado.

Naniniwala ang iba na mananatiling ang defen­ding champion University of the Philippines at De La Salle University ang teams to beat ngayong season.

Pero sa mga coaches, ang host school na University of Sto. Tomas at Natio­nal University ang kanilang napipisil na magbibigay ng magandang laban sa UP at La Salle.

“UST, because that homecourt advantage,” ani UE coach Chris Gavina kahapon sa naganap na press conference sa Gloria Maris, Greenhills, San Juan.

Karamihan ng laro sa first round ay gaganapin sa UST Quadricentennial Pavilion.

“UST at NU, sila ‘yung tingin kong aabot talaga,” ang sa tingin naman ni A­damson coach Nash Racela.

Maging si Bulldogs head coach Jeff Napa ay aminado na malakas ang Growling Tigers.

“Malakas talaga ‘yung UST,” ani NU coach Jeff Napa.

Sa linggo makikilatis ang EspaƱa-based squad, dahil makakatapat agad nila ang dadayong Figh­ting Maroons sa alas-4:30 ng hapon.

Maghaharap sa ope­ning day ang Far Eastern University at Ateneo sa alas-2 ng hapon habang magkakaliskisan sa pa­ngalawang laro ang A­damson University at DLSU sa 4:30 ng hapon.

Samantala, aprubado sa University Athletic Association of the Philippines ang rule na pinapayagan ang mga eskuwelahan na paglaruin ang dalawang foreign student-athletes sa kanilang team na magsisimula sa Season 89.

“This was approved this year and, like all our rules, will take effect the follo­wing season—so starting UAAP Season 89,” pahayag ni UAAP Executive Director Atty. Rene “Rebo” Sa­guisag Jr. “For all sports, teams can have two foreign student-athletes in their pool, but only one can be part of the active roster at a time, with the other on reserve.

Hindi lang sa basketball, pinapayagan ang nasabing bagong rule sa lahat ng UAAP sports.

No comments:

Post a Comment