Tuesday, September 16, 2025

MMFF spox, itinama ang reklamo ng ibang fans ni ate vi!


 Sinagot ni MMDA Spokesperson Noel Ferrer ang ibang fans ni Star For All Seasons Vilma Santos na nangunguwestiyon kung ba’t inuna si Judy Ann Santos na maging Hall of Famer gayung mas maraming beses na raw nanalo si Ate Vi sa MMFF.

Ayon kay Jeannie Wong : “Selective ang pag award ng MMFF ng Hall of Famer. Si Vilma Santos mas maraming MMFF awards bakit di siya nabigyan ng MMFF Hall of Famer. Paki sagot. May galit ba kayo sa kanya? Kaya ba di niyo siya binigyan ng BA sa MMFF 24 para paboran ang ilan personalidad maging Hall of Famer? Shame on all of you. Corrupt din kayo. Mahiya naman kayo!!!” buong message ni Jeannie sa aming Facebook account.

Kaya naman hiningan ko ng komento si Noel tungkol dito dahil may ilang ding lumabas na halos ganito ang komento : “GALIT NA GALIT TAYO SA CORRUPT (kaya nga may rally sa Sunday eh)- ANG SABI NGA NI MAYOR VICO, dapat hindi inormalize ang CORRUPTION na nakakadiri!!! Pero ang ganitong argumento, walang merit sa barangay man o sa Ombudsman. So please stop the hate! Ayaw ni Ate Vi ng hate!!!

“Ang sabi nga niya sa isa sa paborito kong pelikula ng National Artist Ishmael Bernal, “ang ganda ng mundo!…ang sarap mabuhay!” Kaya world peace na lang please!!! ”

Agree. Ang daming mga ganap sa ating paligid na dapat tutukan kabilang na ang pagmahal ng mga bilihin na ang laki talaga nang itinaas ng presyo.

Saka ayaw ni Ate Vi ng ganito.


No comments:

Post a Comment