Saturday, May 9, 2026

Limang taon matapos pinagtibay ng Association of Southeast Asian Nations ang Five-Point Consensus sa hangaring resolbahin ang krisis sa Myanmar, nananatiling mailap ang kapayapaan.


 Limang taon matapos pinagtibay ng Association of Southeast Asian Nations ang Five-Point Consensus sa hangaring resolbahin ang krisis sa Myanmar, nananatiling mailap ang kapayapaan.

"Marami sa mga miyembro ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya tungkol sa kakulangan ng pag-unlad sa proseso ng pag-normalize ng sitwasyon sa Myanmar," sabi ng Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Jr. sa isang press conference sa panahon ng 48th ASEAN Summit noong Mayo 8, 2026.

"Ang Myanmar ay bahagi ng pamilyang ASEAN, at ito ay isang trahedya kapag ang isang miyembro ng pamilya ay naiwan sa pamilya sa anumang dahilan."Panoorin ang buong video Please click this link https://youtu.be/Z2i-sYGyASE?si=4or-p3nYKW8U3tJa

VP Sara mako-convict kapag ‘di humarap sa Senate trial – Ayon kay Luistro

 Namemeligrong ma-convict si Vice President Sara Duterte kapag nabigo itong dumalo at ipagtanggol ang kaniyang sarili sa napipintong impeachment trial sa Senado na huling pagkakataon nito para magpaliwanag sa mga alegasyon at ­magprisinta ng ebidensya.

Ito ang inihayag ni House Committee on Justice Chairperson Gerville Luistro kaugnay ng inaasahang botohan sa Kamara sa Articles of Impeachment laban kay VP Sara na kapag nakakuha ng mayorya ng boto ay ipadadala na sa Senado. “If I were in her shoes, I will appear because this is my last opportunity to present my case. If I miss this opportunity, then I should anticipate the ­possibility of losing this case or in other words receiving a judgment of conviction,” punto ni Luistro.

Sa Lunes, Mayo 11 ay inaasahang pagdedebatehan na sa plenaryo ang Articles of Impeachment. Nangangailangan lang ng 106 boto na ayon sa prediksiyon ng mga lider ng Kamara ay maaring lumagpas pa sa 215 pabor.

Kabilang sa Articles of impeachment ang hindi wastong paggamit sa confidential funds, hindi maipaliwanag na yaman, bribery, banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

 

GEA-All sa Meralco bill, ‘di na ­sisingilin ngayong Mayo at Hunyo - ERC


 Iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pansamantalang pagsuspinde ng pangongolekta ng Green Energy Auction Allowance (GEA-All) sa kuryente para sa Mayo at Hunyo 2026 upang maibsan ang pasanin sa pananalapi ng mga Pinoy sa gitna ng tumataas na inflation at global economic pressure.

Sa abiso ng ERC, ang pangongolekta ng rate ng GEA-All na katumbas ng P0.0371/kWh ay pansamantalang sususpindihin para sa lahat ng konsyumer ng kuryente sa buong bansa sa loob ng dalawang buwan.

Sakop nito ang lahat ng Collection Agents, kabilang ang mga Distribution Utilities (DU), Retail Electricity Suppliers (RES), at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Paliwanag ng ERC, ang desisyon ay ginawa matapos suriin ang kasalukuyang katayuan ng GEA-All Fund na noong Mayo 5, 2026 ay nagpapanatili ng healthy balance na humigit-kumulang P466.49 milyon. Binigyang-diin ni ERC President and CEO Atty. Francis Saturnino C. Juan na ang hakbang na ito ay sumasalamin sa pangako ng Komisyon na balansehin ang suporta para sa pagpapaunlad ng renewable energy at ang panga­ngailangang protektahan ang mga mamimili sa mga panahon ng kahirapan sa ekonomiya.

Nilinaw ng ERC na ang pansamantalang suspensyon ay hindi makakaapekto sa patuloy na pagpapatupad ng mga programa at pangako ng gobyerno sa renewable energy sa ilalim ng Green Energy Auction Program (GEAP).

Magsasagawa ang Komisyon ng isang komprehensibong pagsusuri sa katayuan ng GEA-All Fund pagsapit ng Hunyo 2026 upang matukoy kung ang suspensyon ay maaaring palawigin pa, depende sa sapat na pondo at umiiral na mga kondisyon ng merkado.

Ang GEA-All ay kasama sa “FIT-All” na makikita sa Meralco bill.

Senator Bato pinaaaresto na ng ICC

 

 Naglabas na ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Base sa ulat, nasa bansa na rin ang International Police o Interpol para makipag-ugnayan sa mga otoridad sa bansa para maaaresto ang senador.

Ikinokonsidera naman ng source mula sa The Hague na pamilyar sa nasabing kaso na ito ay “serious and imminent” sa gitna ng impormasyon na nais ng ICC na madala doon si dela Rosa bago magsimula ang pormal na trial ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong huling bahagi ng buwan.

“According to information circulating here, the warrant is real and has already been released,” sabi ng source.

Hindi pa naman kinukumpirma ng ICC ang nasabing impormasyon habang isinusulat ang balitang ito at maging ang Palasyo ng Malakanyang.

Si dela Rosa, dating hepe ng Philippine National Police (PNP) at malapit na kaalyado ng Duterte administration dahil sa anti-drug campaign ay kasama sa iniimbestigahan dahil sa kasong crimes against humanity ng dating pangulo.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na naghahanda na ang 10,000-man task force para sa posibleng pag-aresto kay dela Rosa sa sandaling maglabas na ng warrant of arrest ang ICC laban sa senador.

“As of latest update, the DILG is preparing a 10K task force for the dragnet operations in case a warrant of arrest for Senator Bato is issued,” wika ni Remulla.

Tumanggi naman si Remulla na magbigay ng iba pang impormasyon kaugnay sa deployment o kung kailan ito gagawin.

Nilinaw naman ng kalihim na hindi pa natatanggap ng mga otoridad ang sinasabing arrest warrant.

Nobyembre pa ng nakaraang taon ay hindi na nagpapakita sa Senado si dela Rosa matapos pumutok ang balita na may warrant of arrest na ang ICC laban sa kanya.


Sunday, May 3, 2026

Systems Loss ng Meralco mga consumers ang nagbabayad? #meralco

 

Ayon sa pag susuri at pag embistiga ni Sen, Imee Marcos ang system Loss ng Meralco ang ang mga consumer ang babayad nito kaya kapag malaki ang loss ng Meralco malaki din ang babayaran natin, hindi lang yon ang system loss ay pina panapatungan pa ito ng vat kay patung patong ang naka charge sa ating ng kuryente