Thursday, October 2, 2025

Anak ng bilyonaryong si Joseph Sy nagpanggap na Pinoy


 Nagbabala si Senadora Risa Hontiveros na mas lalong lumalalim ang impluwensiya ng China sa Pilipinas matapos mabunyag ang panibagong ebidensiya ng pekeng citizenship na kinasasangkutan ng pamilya ng kontrobersiyal na negosyanteng si Joseph Sy.

Sa kanyang talumpati sa Senado, ibinunyag ni Hontiveros na ang anak ni Sy na si Johnson Cai Chen o Johnson Chua Sy ay may dalawang passport—isang Chinese at isang Pilipino—at dalawang birth certificate na magkaiba ang detalye ng magulang. Giit ng senadora, bawal sa China ang dual citizenship kaya malinaw na may panlilinlang at malaking banta ito sa pambansang seguridad.

“Hindi lang ito simpleng kaso ng pekeng papeles. Ito ay malinaw na ope­rasyon ng mga sleeper agents ng China na nakapasok na sa ating lipunan, Inaresto si Joseph Sy noong Agosto 21, 2025 sa NAIA Terminal 3 ng Bureau of Immigration dahil sa pagpapanggap bilang Pilipino. Lumabas sa imbestigasyon na tugma ang kanyang fingerprints sa isang Chinese national na nagngangalang Chen Zhong Zhen.

Nakadetine ito sa BI detention facility sa Bicutan, Taguig habang iniim­bestigahan at nahaharap sa deportation. ekonomiya, at maging sa ating­ politika,” dagdag ng senadora.

Aniya, konektado si Joseph Sy sa malign influence and foreign interference activities (MIFI) at Hongman Association, isang sindikatong may ugnayan sa Chinese Communist Party.

No comments:

Post a Comment