Inilunsad ng Social Security System (SSS) ang MySSS Card na may dual function bilang official ID at debit card na konektado sa savings account.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Robert Joseph Montes De Claro, ang MySSS Card ang magsisilbing official ID kung saan papali¬tan nito ang Unified Multi-Purpose Identification (UMID) card at magagamit din na debit card na konektado sa savings account. Sinabi ni De Claro na ang card ay may nakakabit na EMV chief, naka-integrate sa Philippine Identification System (PhilSys) eVerify at biometric authentication.
Sa pamamagitan nito, ligtas at maginhawang maa-access ng mga miyembro ang benepisyo at loan sa SSS, gayundin ang pang-araw-araw na financial transaction.
Ang programa ng SSS ay bilang pagsunod sa direktibang inisyu ni Finance Secretary at SSS ex-officio Chair Ralph G. Recto na i-roll out ang mas mabilis na serbisyo sa mga pensioner at miyembro.

No comments:
Post a Comment