Tuloy lamang sa kanyang trabaho si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahit tumaas na ang kanyang rating sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ito ang sinabi ni Pa¬ngulong Marcos nang matanong sa survey na 46% ng mga Pilipino ang kuntento sa kanyang trabaho. “I don’t look so much… it’s of course nice to know… I didn’t know about that, now that you tell me, of course I’m glad it’s that way, we just have to keep working, wala namang… whatever is happening,’’ wika ni Marcos sa interview ng mga reporter sa Masbate.
“Kahit na anong nangyayari, kahit may bagyo, kahit na may eskandalo, kahit may gulo, ang taong bayan ay umaasa sa pamahalaan na tuloy ang serbis¬yo, tuloy ang trabaho ng pamahalaan at eve¬ry le¬vel, at the national level, at the local level na tuloy-tuloy lang,’’ dugtong pa niya.
Binanggit pa ni Marcos na ang public servant na katulad niya ay dapat patuloy na nagtatrabaho at hindi namumulitika.
Sa survey na isinagawa noong Hunyo 25-29, tumaas ng 20-point ang sa¬tisfaction rating nito kumpara noong Abril. Isina-gawa ang survey bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos noong Hulyo 28 kung saan binanatan niya ang flood control project na kinasasangkutan ng mga mam¬babatas.
Ito ang naging hudyat para maimbestigahan ang mga senador at kongresista sa flood control scam at ang paglulunsad ng malawakang rally laban sa korapsiyon.

No comments:
Post a Comment