Wednesday, October 1, 2025

Contractor isinumbong sa ‘Pangulo’


 Inireklamo sa “Sumbong sa Pangulo” website ang isang construction firm sa Mindanao na nakakuha ng mara¬ming proyekto sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ini-report sa nasabing website ang P49.7 milyong kontrata na in-award sa ZMS Construction mula Dis¬yembre 2023 hanggang Abril 2025. 

Gayunman, sa record ng DPWH, ang ZMS Cons¬truction na minamay-ari ng maimpluwensiyang political clan sa Zamboanga del Sur, ay nakakorner umano ng tinatayang 50 kontrata tulad ng mga multipurpose building, kalsada at flood control project, na nagkakaha¬laga ng higit P1.5 bilyon ngayong taon lamang.

Ang ZMS Construction ay minamay-ari ng pamilya ni dating Zamboanga del Sur governor Victor Yu, na isang ci¬vil engineer. Ang ZMS ay tumutukoy sa Zamboanga Motor Supply na siyang unang negosyo ng pa¬milya sa lalawigan.

Si Victor Yu ang provincial governor mula 2019 hanggang 2025. Bago ito, dati siyang kinatawan ng 1st District ng lalawigan mula 2007 hanggang 2016. Ang asawa nitong si Di¬vina Grace Cabardo-Yu, ang incumbent governor ngayon ng Zamboang¬a del Sur.

No comments:

Post a Comment