Inihahanda ng Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), sa pamumuno ni Regional Director Teresita A. Tabaog at Assistant Regional Director for Field Operations Decth-1180 P. Libunao, ang pagpapatupad ng Smarter Approaches to Reinvigorate Agriculture as an Industry in the Philippines o Project SARAI sa Ilocos Region.
Layunin ng proyekto na makapaghatid ng makabagong teknolohiya gaya ng remote sensing, GIS, crop models, at weather advisories upang makapagbigay ng tamang impormasyon para sa mas mahusay na pagsasaka at climate adaptation. Kamakailan, dumalo ang SARAI Team One ng Region 1 sa serye ng pagsasanay na isinagawa online (Setyembre 2–4, 2025) at sa PCAARRD, Los BaƱos (Setyembre 9–10, 2025). Natutunan nila ang paggamit ng GIS tools, Google Earth Engine para sa crop monitoring, NDVI computation, at pamamahala ng Automatic Weather Stations (AWS) at weather data.
Dumalo rin ang grupo sa SARAI inception meeting noong Setyembre 8, 2025 para sa pagbubuo ng mga layunin at koordinasyon ng mga regional hubs.
Sa tulong ng pamunuan at dedikasyon ng teknikal na team, inaasahang magiging sentro ang DOST Region 1 sa pagpapalaganap ng data-driven agriculture. Sa pagtatayo ng SARAI Regional Hub, magkakaroon ang mga magsasaka at LGUs ng access sa makabagong kaalaman at kasangkapan upang mapataas ang ani, mabawasan ang panganib, at maging mas matatag ang agrikultura sa Ilocos laban sa climate change.

No comments:
Post a Comment