Wednesday, October 1, 2025

Lacson pinalagan paninira sa Blue Ribbon probe


 Pinalagan ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang pag¬lutang ng isang lumang larawan kung saan kasama niya ang mag-asawang Discaya noong 2025 elections.

Ayon kay Lacson, ginagamit lamang ang lumang larawan para siraan ang kanyang pamumuno sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa mga anomalya sa mga flood control project. Sinabi ng senador kinunan ang lara¬wan noong panahon ng kampanya noong 2025, kaugnay ng imbitasyon sa isang political rally na kanyang tinanggihan — at wala nang iba pa.

“The fact that it is being circula¬ted only means that it intended to besmirch my reputation and credibility in chairing the Blue Ribbon Committee on the flood control project anoma¬lies,” ani Lacson.

Aniya, noong campaign period, dinala ng isang campaign supporter mula sa Davao City na si Fred Villaroman ang mga Discaya sa opisina ni Lacson sa Taguig City. Ang ama ni Villaroman, ang yumaong P/Brig. Gen. Francisco Villaroman, ay nagsilbi sa ilalim ni Lacson sa Philippine National Police at naging hepe ng security detail ni noo’y Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte hanggang 2016.

Sa pulong na iyon, inimbitahan si Lacson na dumalo sa isang political rally ng party-list group na Pinoy Ako, kung saan tumatakbo bilang nominee ang anak ng mga Discaya. Dumalo rin sa pulong sina Cezarah at Paci¬fico Discaya II.

Binigyang-diin din ni Lacson na hindi nila tinalakay ang anumang campaign contribution. “I did not receive, nor did the Discayas offer any campaign contribution in whatever form,” sabi niya.

No comments:

Post a Comment