Nanindigan ang Malacañang na walang pananagutan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa anomalya sa mga flood control project kahit pa siya ang pumirma sa 2025 national budget at sa prinsipyo ng command responsibility.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, dumaan sa masusing pag-aaral ng economic team ng Pangulo ang 2025 budget, at mayroong mga na-veto batay na rin sa ginawang masusing pagbusisi sa pambansang budget.
Sinabi ni Castro na nakakasiguro ang Pangulo na wala siyang kinalaman sa anomalya kaya mala¬kas ang loob nito na magpaimbestiga.
“Hindi maglalakas-loob ang Pangulo na siya mismo ang magpaimbestiga kung alam niya sa sarili niya na mayroon siyang maling ginawa, maliban lamang kung mayroong gagawa ng kuwento para sirain ang pangalan nito,” ani Castro.
Kaya aniya nasabi ng Presidente na mayroon ng mga natapos na flood control project noong 2024 dahil galing ito mismo sa kanyang Cabinet secretary subalit noong nakita niya na hindi nagtugma ang report ay nagpaimbestiga ito.
“Kaya masasabi natin na ang Pangulo lamang ang kauna-unahang Pangulo na nagpapaimbestiga mismo sa maanomalyang flood control projects sa ilalim ng kanyang administrasyon,” dagdag ni Castro.
No comments:
Post a Comment