Inilutang ni Bacolod Rep. Albee Benitez ang ideya na buwagin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at lumikha ng bagong departamento dahil maaa¬ring hindi umano sapat ang pagpapatupad ng reporma upang matugunan ang sistematikong korapsiyon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Benitez na dahil sa lawak ng korapsiyon sa ahensiya ay naging kuwestyunable ang pananatili ng DPWH.
Iginiit rin ni Benitez ang pangangailangan na gumawa ng hakbang ang Kamara de Representantes upang mapigilan ang malawakang korapsiyon sa DPWH.
“The people are waiting to see if our chamber can reassert its relevance and act not out of self-interest but for the people’s benefit. I sincerely hope that we can still find practicable solutions to address systemic corruption in our government,” sabi ni Benitez.
Ayon sa mambabatas nasa Kongreso ang paggawa ng batas na may matalim ang ngipin upang bumaon sa makakapal na balat ng mga sangkot sa sabwatan kaya naging posible ang korapsiyon lalo na ngayong dumarami ang miyembro ng Senado at Kamara na nakakaladkad sa anomalya.
“That more and more lawmakers and powerful personalities, including former Speaker Martin Romualdez, are being accused not so much of dipping their hand in the people’s money, but taking truckloads of it, only emphasizes why it is necessary that the Independent Commission for Infrastructure take immediate action and expedite its ongoing investigation,”

No comments:
Post a Comment