Tuesday, September 16, 2025

Pagbabalik ng ABS-CBN sa free television, fake news!

 

Mag-ingat sa mga clickbait post na nagpapakalap ng pekeng balita na babalik na ang ABS-CBN sa free television.

Kamakailan nga ay naglabas na ang Rappler ng Fact Check dito para patunayan na fake news ang umiikot na impormasyong ito sa social media, partikular sa Facebook.

Ayon pa sa Rappler article, hindi naman na-renew ang franchise ng Kapamilya network at hindi ito magbabalik sa free TV.

Binanggit pa ng news organization sa nasabing artikulo na ayon kay ABS-CBN president Carlo Katigbak, kahit pa magka-franchise uli ang kumpanya, mahirap nang bumalik bilang brodkaster dahil wala na rin ang frequencies nito at na-distribute na sa ibang mga brodkaster.

Gayunpaman, napapanood pa rin naman ang ABS-CBN at mga artista nito sa mga partner channel nito, sa Kapamilya Online Live, at sa iWant kaya kahit wala sa free TV ay malawak pa rin ang reach ng mga programa nito at patuloy na nagpapasaya sa mga manonood.

Napapanood din ang ilang Kapamilya shows sa ibang streaming platforms tulad ng Netflix, Amazon Prime, Viu, at iba pa kaya ang bongga, ‘di ba!

Pero ‘yun nga hindi bongga ang mga clickbait post na maraming naloloko at napepeke.

Kaya dobleng pag-iingat ang kailangan.

No comments:

Post a Comment