Nagkatambal noon sa ilang proyekto sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio. Ayon sa aktor ay tila higit pa sa magkaibigan ang naging turingan nila noon ng dalaga. “Yeah, I don’t want to be the one to put specific labels. ‘Yon po, actually, sa lahat ng mga nakakatrabaho ko, lagi po akong natatanong about that. Pero kasi Tito Boy parang ayokong… I don’t want to be the one to put a label on it. Pero we were very close talaga during that time,” pagtatapat sa amin ni Joshua sa Fast Talk with Boy Abunda.
Hindi man nagsasabihan ng ‘I love you’ noon ay talagang espesyal sa puso ng binata si Barbie. “Hindi ko po ma-explain, parang in certain situations. Kasi talagang everyday kami magkasama. Totoo naman po talaga na we’re more than… kasi si Joyce (Ching), I consider as my friend before. Pero si Barbie, more than a friend,” dagdag pa ng aktor.
Matatandaang nagsimula ang tambalang JoshBie sa Stairway to Heaven noong 2009. Sa ngayon ay wala na raw komunikasyon sa pagitan nina Joshua at Barbie. “Kasi may mga acquaintances tayo, so I consider them as friends. Pero she’s my… parang siguro best friend or something more. I’d say wala naman po akong bridges na na-burn. Wala naman, kasi kahit lahat nang nakarabaho ko, I consider them as friends,” makahulugang paliwanag ng binata.
Wala raw magiging problema kay Joshua kung sakali mang magkaroon sila ng reunion project ni Barbie. Para sa aktor ay nakatutuwa ring mabasa sa social media ang kahilingan ng mga tagahanga ng tambalang JoshBie. “Kung may offer with Barbie, I don’t mind, okay lang. Kung okay lang din sa kanya, why not? Kasi ‘yan talaga ang hindi mga nawawalasa social media, posts, na parang reunion or whatever. Naisipko rin, oo nga naman, ano nga ba? Meron pa palang mga taona gusto kaming makitang mag-reunion. Nakakatuwa namang makabasa ng mga gano’n,” nakangiting pahayag ng Kapuso actor.
Masayang-masaya raw ang binata sa naabot na tagumpayng dating katambal sa show business. “Opo naman, sobra. Kasi alam ko rin naman kung ano ang pinanggalingan ni Barbie. Kung ano ‘yung history niya sa career niya, nakaka-relate po ako sa kanya. Gano’n din po ako no’ng nag simula din. I’m really happy sa lahat ng achievements niya ngayon,” giit niya.
Ngayon ay masaya at kuntento naman sa kanyang buhaypag-ibig si Joshua. Napag-uusapan na rin daw ng aktor at non-showbiz girlfriend ang tungkol sa pagpapakasal. “Masaya and content. Yes po, nasa planning stage po sapagpapakasal,” pagtatapos ni Joshua.

No comments:
Post a Comment