Monday, September 22, 2025

Janella ayaw nang magpagago; nagpakatotoo sa ‘relasyon’ nila ni Klea


 “Tama na ang panggagago sa ating mga Pilipino,” sabi ni Janella Salvador kahapon sa Spotlight presscon ng Star Magic.

“Kasi ‘di ko rin masikmura na nasa presscon ako ngayong araw na ‘to at di ‘ako mag-speak up about current happenings sa country natin. Gusto ko lang I share—I mean, gusto ko lang maglabas ng statement na laban lang, and it’s really, really time na we all join forces and let our voices be heard, and tama na ‘yung panggagago talaga sa atin, sa mga Pilipino.

“Di natin deserve ‘yung mga band-aid solutions, and it’s really time, time for us to be heard, and sana gamitin din nung iba ‘yung platform nila,” pahayag pa ng actress na busy sa Cinemalaya movie na Open Endings with Jasmine Curtis-Smith, Klea Pineda, and Leanne Mamonong at sa ipapalabas na teleseyeng What Lies Beneath with Charlie Dizon, Kaila Estrada, Sue Ramirez, Jake Cuenca, and JM De Guzman.

Dagdag niya pa : “Kasama ninyo ako sa laban and like I’ve said ngayon masaya ako, pero sobrang sumasasakit ang puso ko nangyayari sa country natin.

“Lalo na as a mom, masakit isipin na ‘yung future ng mga anak natin, naisip ko si Jude, parang nakasalalay ‘yung future sa actions natin now.

“Ang laking tulong ‘yung nangyayari na nagsama-sama tayo dahil para rin ito sa kinabukasan, sa future generation ng mga bata,” sabi pa ni Janella.

At sa susunod na protesta ay handa raw siyang lumabas na at makiisa.

Anyway, iba raw talaga ang naging dynamics ng relationship nila ng mga katrabaho sa Open Endings.“Si Jasmine pareho kaming Aries, so nagkasundo kami dun na parang ‘same tayo ganyan-ganyan.’ Halos same kami ng energy, pero siya ‘yung mas extrovert na Aries, at ako ‘yung medyo introvert. Kami naman ni Lian, Lian din introvert siya, so kami yung parang minsan pag ano, medyo tahimik kami nagre-reserve ng energy. Tapos si Klea naman, ayun, makikita ninyo naman, nagiging close rin kami, nagha-hang out din kami, so ayun, ayun kaming apat, ‘yun ‘yung dynamics namin. Parang nagkasundo kami ng humor kasi yung mga pinagtatawanan namin minsan napapagalitan kami dun sa set kasi tawa kami nang tawa, so pinapatahimik kami.”

Pero, ‘what you see is what you get’ ang consistent na sagot niya pag tinatanong kung ano ang level of closeness nila ni Klea na madalas niyang ka-hangout lately.

Bagama’t inamin niya na lampas na sa trabaho ang kanilang closeness, pero ipinunto ng aktres na silang apat ang nagkaroon genuine bond sa shooting ng Open Endings.

Saka wala raw siyang kailangang ipaliwanag tungkol sa kanila ni Klea. “Honestly, at this point I don’t think we owe anyone naman an explanation about personal things. Kung baga, so you feel free to think what you think. Feel free to interpret what you feel like interpreting. Kung anuman yung nakikita ninyo... alam n’yo naman ako, lagi ako nagpapakatotoo, real lang ako palagi, so if I feel like sharing anything in the future, I promise you, kung ano ang makikita ninyo.”

At dream project daw niya talaga ang pelikulang Open Endings na isang kwento ng apat na queer na babae na mga ex na naging best of friends.

No comments:

Post a Comment