Monday, September 22, 2025

Jameson wife material ang tingin kay Barbie, Geraldine napasabak sa ‘babuyan’

 

Grabe ang mga eksena ni Jameson Blake sa pelikulang Isla Babuyan na launching movie ni Geraldine Jennings.

Maraming pabukol ang nababalitang jowa ni Barbie Forteza.

Hahaha.

Talagang wala siyang pakialam.

ero bagay naman sa ginampanan niyang character sa pelikula na anak mayaman na na-in love sa anak ng mistress (Lotlot de Leon) ng kanyang ama (James Blanco)

Lalo na sa mga eksena niyang naka-brief lang sa dagat, flawless ang balat niya.

At bigay na bigay sa kanilang laplapan ni Geraldine si Jameson na super sexy rin sa kanyang mga eksena.Kaya naman tinanong namin si Jameson after the preview ng Isla Babuyan kung iimbitahin niya bang manood ng pelikula nila ni Geraldine si Barbie Forteza.

“Kung i-invite ko siya? Hindi ko pa alam, baka she’s busy. But if she wants, puwede rin naman! She’s supportive naman!” sabay tawa ni Jameson.

More than a year na rin kasi ang pelikulang Isla Babuyan kaya nung gawin niya ito ay wala pang nakakaalam na magiging ‘sila’ ni Barbie.

Pero for the record, sila na ba talaga ni Barbie?

“No! I did not say anything like that, you know! Hahahaha!

“Basta, we’re happy sa situation namin ngayon. I want her to enjoy it, muna.

“But what’s really important is that we’re both happy kapag magkasama kami,” sagot ng actor kahit parang may meet the mother na ba niya?

At ang dami  rin nilang sighting lately.

“Wala rin kaming magagawa, marami naman. We’re of age na, or we’re not kids anymore. So, what you see is what you get! pahabol niyang sagot na parang may ibang meaning na.

Pero ano talagang real status? Pamimilit na tanong namin.

“Basically we’re just enjoying each other’s company,” tumatawa niyang sagot.

Na sa totoo lang ay marami ang kinikilig. “Well, surprisingly marami nga, at natutuwa ako na nakikita ko ang mga comment nila, at masaya sila.”

At bongga, hindi lang daw basta girlfriend material si Barbie.

“Ahhh, not only!”

So pak, alam na that, pang-wife material na ang tingin niya sa actress.

Nagkasama sila ni Barbie sa Netflix movie na Kon­trabida Academy at doon nag-umpisa ang lahat.

At open siya sa idea na magtambal sila sa pelikula.

At siguro raw kaya sila nagkakasundo ay dahil pareho sila ng priorities sa buhay.

Samantala, walang kiyeme ang naging portrayal ng baguhang actress na si Geraldine Jennings sa Isla Babuyan na brain child ng namayapa niyang manager na si Leo Dominguez.

Talagang ipinakita niya ang kaseksihan sa launching movie niya dahil sa dagat ang karamihan sa mga eksena bilang anak ng may-ari ng Paraiso Bar na first time umuwi ng kanilang probinsya mula sa amang foreigner.

Kaya nga na-X ang Isla Babuyan sa unang review ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Tinapyasan ng director kaya binigyan ito ng R-18 at pwede nang ipalabas sa mga sinehan.

Bumagay talaga si Geraldine sa pelikula na na-in love pero pinagdudahan kaya bumigay siya sa challenge.

At para sa kanya, attractive si Jameson.

Kung siguro wala si Barbie... bet niya pa namang ang pagka-tisoy ng kanyang leading man.

Isa itong sexy drama movie na oo nga at maraming mga pabukol sa papwet, may kuwento naman.

Ang husay dito ni Lotlot de Leon, ganundin Paolo Gumabao na nanggulat talaga sa rami ng kanyang butt exposure sa ‘babuyan’.

Showing na sa October 1 ang Isla Babuyan, exclusive sa Robinson’s Cinemas, directed by Jose Abdel Langit.

No comments:

Post a Comment