Monday, September 22, 2025

Andrea at Maris, nagkagirian


 Kabilang sina Andrea Brillantes at Maris Racal sa talagang lumalaban para papanagutin ang mga kasama sa lumustay sa perang para sana sa flood control projects.

Sumali sila sa ginanap sa protest rally sa Luneta noong Linggo.

Samantala, magpapangabot sa isang matinding salpukan ang mga karakter nina Andrea Brillantes at Maris Racal sa FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Pasabog ang maaksyong eksena ng dalawang aktres na mapapanood sa mga susunod na episode kung saan mauuwi ito sa tutukan ng kutsilyo. Sa takbo ng kwento ngayon, mapipilitan si Fatima (Andrea) na labanan ang pulis na si Ponggay (Maris) matapos siyang madamay sa operasyon sa pag-aresto kay Tanggol (Coco).

Bago pa nito, una nang natakasan ni Tanggol ang mga awtoridad at dumiretso siya sa lugar ni Fatima upang pansamantalang magtago. Dehado ngayon si Tanggol dahil inaresto na ang kanyang pamilya at itotodo ng mga Guerrero ang paninira nila laban sa mga Montenegro.

Sa kabila ng pagbagsak ng pamilya Montenegro, sisimulan na ni Tanggol ang mas malaki ­niyang misyon upang iligtas ang papa niyang si Ramon (Christopher De Leon), na kasalukuyang nag-aagaw buhay matapos barilin ni Rigor (John Estrada).

Samantala, namaalam na sa FPJ’s Batang Quiapo ang batikang aktres na si Chanda Romero pagkatapos siyang pagbabarilin ni Miguelito (Jake Cuenca).

Samantala, totoo bang, after Batang Quiapo ay may possibility na maging Kapuso si Andrea?

Sabi lang naman, wala namang confirmation.

No comments:

Post a Comment