Pormal nang isinumite ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Drainage Master Plan ng lungsod bilang suporta sa kampanya ng pamahalaan na masolusyunan ang pagbaha.
Ito’y kasabay ng pagbisita ng Pangulong Marcos sa Gen. Vicente Lim Elementary School sa Tondo, kung saan isinagawa mga relief operations sa 2,253 families at namahagi ng tig P15,000 sa mga nasunugan sa Barangay 105, Happyland. Kasama rin nina Marcos at Domagoso sina Vice Mayor Chi Atienza at Congressman Ernix Dionisio.
Inabisuhan naman ng Pangulong Marcos si Domagoso na makipag ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa Metro Manila Development Authority (MMDA) drainage master plan ng lungsod.
Samantala, inilahad din ni Domagoso ang operations plan ng lungsod kaugnay ng inaasahang mass protests sa Setyembre 21 sa Luneta.
Ayon sa alkalde, handa na ang Manila Police District (MPD) upang masiguro ang kaligtasan ng mga protesters at publiko.
“Rest assured that the City Government of Manila stands ready to work with your administration in pursuit of sustainable development and the well-being of our people,” ani Domagoso.

No comments:
Post a Comment