Iprinoklama na ng Commission on Elections (Comelec) ang Gabriela Women’s Party bilang isa sa mga nanalong partylist group sa katatapos na May 12, 2025 midterm elections.
Nabatid na ang proklamasyon sa Gabriela ay isinagawa sa Comelec main sa Intramuros, Manila, kahapon.
Si Gabriela First Nominee Sarah Elago ang tumanggap ng certificate of proclamation mula sa Comelec, na tumatayo bilang National Board of Canvassers (NBOC).
Noong Linggo, una nang inianunsiyo ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na ang Gabriela ang makakakuha ng ika-64th party-list seat sa Kamara.
Bilang pagtalima ito sa constitutional requirement na ang mga partylist representatives ang siyang bubuo ng 20% ng membership ng Kamara.
Ang Gabriela ay nakakuha ng kabuuang 256,811 boto sa midterm polls.

No comments:
Post a Comment