Nagtungo si Vice President Sara Duterte sa Senado kung saan nagtungo siya sa tanggapan nina Senators Rodante Marcoleta at Ronald “Bato” dela Rosa.
Unang nagtungo si Duterte sa tanggapan ni Marcoleta kung saan pumasok din ang iba pang “Duterte senators” na sina Senators Bong Go at Imee Marcos.
Kasunod na binisita ni Duterte ang tanggapan ni Dela Rosa kung saan nagtagal siya ng ilang minuto.
Nauna rito, ipinagpaliban ng Senado ang pagdinig sa budget ng Office of the Vice President at itinakda ito sa Lunes, Setyembre 22.
Tumanggi si Duterte na sagutin ang mga tanong ng media dahil “boarding” na aniya siya at magtutungo sa Sultan Kudarat.
Nangako si Duterte na magpapa-interview sa media pagkatapos ng kanyang biyahe.
Tumanggi naman si Dela Rosa na magbigay ng detalye sa kanilang naging kuwentuhan ng Bise Presidente.

No comments:
Post a Comment