Sinabi ni dating Bulacan first district assistant engineer Brice Hernandez na kasama siya at ilang iba pang engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay naghati-hati ng “kita” para sa mga ghost projects.
Ginawa ni Hernandez ang pahayag matapos siyang bigyan ng legislative immunity ng Senado para ibahagi kung paano gumagana ang mga ghost project sa kanilang distrito.
“Yung project[s] na ‘yun, meron po kaming sharing na pag kumita po… si Boss Henry (Alcantara) po may 40%, ako po may 20%, si engineer Jaypee (Mendoza) meron pong 20% at si engineer Paul Duya meron din pong 20%,”sabi ni Hernandez sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
“Yung sharing po kung magkano lahat, meron pong certain percentage kung magkano po naging kita. ‘Yun po yung hatian,” dagdag ni Hernandez.
Ibinahagi din ni Hernandez na ang pagtaas ng “grease money” ay bahagi ng dahilan kung bakit sila nagpasya na gumawa ng mga ghost projects.
“Sa proponent daw po [napupunta yung tara], sabi ni boss. Wala po akong nagpadala ano, pakikipag-usap sa proponent,” sabi ni Hernandez.
Itinanggi naman ng dating amo ni Hernandez na si Bulacan first district engineer Henry Alcantara ang mga akusasyon.
“Hindi ko po alam [kung sino yung proponent,] your honor. Every time po na may itatanong sa kanya, puro po ang turo sa akin… Maliwanag naman po dito na sinasabi ng contractor na sila po ang kausap niya, your honor,” ani Alcantara.
.jpg)
No comments:
Post a Comment