Thursday, September 18, 2025

Dizon: 17 pang kawani ng DPWH, sinuspinde ng Ombudsman


 Kinumpirma ni DPWH Secretary Vince Dizon na 17 pang kawani ng ahensiya ang isinailalim na sa preventive suspension ng Office of the Ombudsman.

Ayon kay Dizon, ang mga sinuspindeng kawani ay kabilang sa mga sinampahan ng kasong graft sa Ombudsman noong nakaraang linggo bunsod ng umano’y maanomalyang flood control projects.

Sinabi ni Dizon na ang mga sinuspindeng kawani ay bukod pa kina dating District Engineer Henry Alcantara, Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, na nauna na niyang ipinatanggal sa DPWH.

Anang Kalihim, nakausap niya si Acting Ombudsman Dante Vargas at ito mismo ang nagkumpirma na naipadala na ang suspension orders kahapon.

Kinumpirma rin naman ng DPWH chief na nagsumite na sila ng report sa binuong independent commission kaugnay naman sa mga natuklasan din nilang anomalya sa flood control projects sa Oriental Mindoro.

No comments:

Post a Comment