Hihiling ang Department of Justice (DOJ) ng Blue Notice sa International Criminal Police Organization (Interpol) laban kay Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co.
Inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang aplikasyon ng notice sa lokal na tanggapan ng Interpol, kasunod ng im¬bestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee at rekomendasyon ng National Bureau of Investigation na kasuhan si Co.
“Yes we’re working on it. Yes, I’m asking Assistant Secretary Eli Cruz to help us with the Blue Notice,” ani Remulla.
Ang Blue Notice ay abisong internasyonal para mangalap ng impormasyon kaugnay ng isang kasong kriminal. Hindi ito utos ng pag-aresto.
Inirerekomenda ng NBI ang pagsasampa ng kaso kay Co at iba pa dahil sa umano’y paglabag sa Anti-Graft Law, indirect bribery, at malversation of public funds. Tiniyak naman ni Co na babalik siya sa Pilipinas upang harapin ang mga alegasyon laban sa kanya, base sa liham na ipinadala kay House Speaker Faustino Dy III
Sumulat si Co sa Office of the Speaker kaugnay ng pagkansela sa kanyang travel clearance at utos na bumalik sa Pilipinas sa loob ng 10 araw o hanggang Setyembre 29.
“I have every intention of returning to the Philippines. I am also intent on belying the false claims made against me before the proper forum,” giit ng solon. “Yet, I am very much apprehensive about what awaits me should I return to the Philippines given that the public and your good office have prejudged me.”
Pinasinungalingan naman ni Co ang paratang sa kanya ng mga politiko na siya ang may kagagawan ng budget insertion sa 2025 at iginiit na ang ulat ng bicameral conference committee at 2025 GAA ay inaprubahan ng Senado at Kamara.
Hindi rin umano totoo ang mga paratang na eroplano niya ang ginamit upang dalhin si dating Pa¬ngulong Rodrigo “Digong” Duterte sa The Hague, kung saan ito nakakulong ngayon. Itinanggi rin nito ang alegasyon na humingi ito ng fish import allocation para sa ZC Victory Fishing Corporation.

No comments:
Post a Comment