Inanunsiyo ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kahapon na ipinag-utos na ng Court of Appeals (CA) ang pag-freeze sa assets ng mga indibidwal at mga korporasyon na sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Sa isang pulong balitaan sa Maynila, sinabi ni AMLC Executive Director Atty. Matthew David na ang freeze order ay sumasakop sa 135 bank accounts at 27 insurance policies ng mga indibidwal at korporasyon.
Inaprubahan ito ng CA kahapon, kasunod ng kahilingan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong Setyembre 12.
Hindi naman tinukoy ni David ang estimated value ng mga bank accounts ngunit sinabing ang mga bangko ay binigyan ng 24-oras upang magsumite ng reports hinggil sa mga naturang accounts. Tumanggi rin si David na magbigay pa ng karagdagang detalye, dahil confidentiality clause ng freeze order.
Una nang hiniling ng DPWH sa AMLC na isyuhan ng freezer order ang nasa 26 indibidwal na sinampahan nila ng kasong graft sa Office of the Ombudsman.
Kabilang dito sina dating DPWH OIC-Assistant Regional Director Henry Alcantara, dating DPWH Officer-in Charge (OIC) District Engineer Brice Ericson Hernandez, dating OIC-Assistant District Engineer Jaypee Mendoza, Construction Section chief John Michael Ramos, at Ernesto Galang ng Planning and Design Section.
Kinasuhan rin ang ilang contractors, gaya nina Ma. Roma Angeline Rimando, Cezarah “Sarah” Rowena Discaya, Pacifico “Curlee” Discaya II ng St. Timothy Construction Corp.; Mark Allan Arevalo ng Wawao Builders; Sally Santos ng SYMS Construction Trading, at Robert Imperio ng IM Construction Corp.
No comments:
Post a Comment