Tuesday, September 16, 2025

Pagpapalit ng liderato sa Kamara umugong-Martine Romualdez mag re-resign sa Wednesday September 17, 2025

 

Umugong sa hanay ng mga Kongresista ang posible umanong pagpapalit ng liderato sa Kamara na posible sa pagbubukas ng sesyon ngayon (Setyembre 17) o sa mga susunod pang araw.

“Baka, it’s possible,” pahayag naman ni Navotas City Rep. Toby Tiangco nang makunan ng reaksiyon ng media.

Sinabi ng ilang insiders na ito umano ang dahilan kung bakit ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Speaker Martin Romualdez sa MalacaƱang na sinamahan ni Presidential Son at House Majority Leader Sandro Marcos.

Ayon pa sa sources, pag-uusapan kung mananatili pa sa puwesto si Romualdez, magli-leave at magtatalaga muna ng Acting Speaker o tuluyan na itong magre-resign sa puwesto.

Ang isyu ay sa gitna na rin ng nabunyag na ­pangungurakot ng hindi lamang bilyon kundi umaabot na umano sa trilyong pondo sa infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) lalo na ang mga ghost flood control projects sa loob ng ilang taong korapsyon.

Naging kapansin-pansin naman ang maagang pagsususpinde ng sesyon sa Kamara nitong mga nakalipas na araw.

Ilan naman sa mga lumulutang na matunog na pangalang maaring pumalit kay Romualdez ay sina Isabela Rep Faustino Dy na kapartido ng Pangulo sa Federal ng Pilipinas; House Deputy Speaker Ronnie Puno; Bataan Rep. Albert Garcia at Rep. Jay-Jay Suarez ng Lakas-CMD.

Una namang pinalutang ni Navotas City Rep. Toby Tiangco ang pangalan ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez sa isa sa mga posibleng kandidato sa Speakership.


No comments:

Post a Comment