Monday, December 9, 2024

Petro Gazz target ang solo 3rd spot

 

Ang ikatlong sunod na panalo ang hangad ng Pet­ro Gazz, habang pilit na­mang babangon mula sa unang kabiguan ang PLDT Home Fibr sa sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Maghaharap ang Gazz Angels at High Speed Hitters ngayong alas-4 ng ha­­pon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sa ikalawang laro sa alas-6:30 ng gabi ay magtu­tuos ang umaangat na Che­ry Tiggo Crossovers at bumubulusok na Akari Char­gers.

Humataw ang Petro Gazz (3-1) ng 28-26, 29-27, 25-18 pagwalis sa Akari (2-3), habang nakalasap ang PLDT (3-1) ng 12-25, 23-25, 25-20, 22-25 kabiguan sa Chery Tiggo (3-1).

Solo ng Cignal HD (4-0) ang liderato kasunod ang nagdedepensang Creamline (3-0).

Humataw si Fil-Am Brooke Van Sickle ng 19 points at may 15 markers si Myla Pablo sa panalo ng Gazz Angels sa Chargers.

“Coing off our rest, we haven’t played in a while so to be able to come out and stay focused in those tight matches was awesome,” sabi ng reigning All-Filipino Conference MVP na si Van Sickle.

Muling makakatuwang nina Van Sickle at Pablo sina Jonah Sabete, Aiza Pon­tillas, Remy Palma at Djanel Cheng kontra kina Fil-Canadian Savi Davison, Erika Santos, Fiola Ce­ballos, Dell Palomata at Majoy Baron ng High Speed Hitters.

Sa ikalawang laban, pun­tirya ng Chery Tiggo ang ikatlong dikit na ratsada sa pagharap sa Akari na na­hulog sa dalawang sunod na kamalasan.


No comments:

Post a Comment