Hindi pa sapat ang pagsasalita nina Maris Racal at Anthony Jennings at paghingi nila nang patawad sa publiko.
Hati pa rin ang simpatiya ng mga tao. Pero ang napapansin ko, ilan sa mga nakatrabaho nila ay hindi natuwa sa mga nangyari. Pero tahimik na lamang sila, at ayaw na nilang palalain pa ang isyu.
Noon pa man ay PDA na raw sila, kahit sa pagkakaalam nila ay hindi pa break sina Anthony at ang girlfriend niyong si Jamela Villanueva.
Si Mariz daw ang sobrang clingy kay Anthony, na hinahayaan na lang ng aktor.
Ang dating daw noon ay para lang sa loveteam, pero minsan ay parang hindi na tama. Kaya sa halip na nakuha nila ang simpatiya nang lahat, meron pa ring nairita at sa tingin nila tama lang itong nangyari sa kanila. Consequence na ito sa mga kalandiang ginawa nila.
Pero nangyari na at ngayon ay nasa crisis management ang Star Magic at ABS-CBN kung paano nila maibabalik ang magandang pagtingin ng mga tao sa kanila.
Naalala tuloy namin ang matagal nang kuwento sa amin tungkol sa magaling na aktres at guwapong aktor na tila nagkadebelopan na raw sa trabahong pinagsamahan nila.
Pero tahimik lang sila at illan lang daw ang nakakaalam. Hanggang sa tumabang na ang dating matamis na pagmamahalan, nangangamba ang ilan sa mga taong malapit sa kanila na baka umabot pa raw sa demandahan ang ending nito.
Abangan na lang natin kung mabubunyag isa sa mga araw na ito.
Pero sinisikap pa ring maging tahimik na lang at maayos na lang sana ang paghihiwalay.

No comments:
Post a Comment