Sunday, December 8, 2024

Derek at Ellen, mas busy sa pagpapalaganap ng self-discovery

Mga video na pang-asar ang ginamit ni Ellen Adarna sa social media para batiin ang mister na si Derek Ramsay sa kanyang 48th birthday.

“Happy 48th Birthhday My GOR! Our Papa D! I love you forever and ever and ever!! @ramsayderek07,” aniya sa kanyang Instagram page.

Tulad ng video na kinunan niya habang naliligo ito at bagong gising. Kaya ang sagot ni Derek, “Bwisit.”

Last November ay nanganak si Ellen sa kanilang first baby na hanggang ngayon ay hindi pa nila inilalabas sa social media.

Ikinasal sila noong November 2021 sa Bataan.

Magkasundo ang mag-asawa pagdating sa asaran ng mga video sa social media na kinakaaliw ng kanilang followers.

At hindi man sila aktibo sa showbiz, naging advocate na nila ang mental health wellness.

Kasama sila sa nagpapalaganap na diskubrehin ang Kami No Ken mental wellness (techniques for self-improvement and transformation).

Si Ellen ang assistant coach habang si Derek ay co-facilitator.

Ayon sa napanood kong interview ni Derek sa ANC, tinutulu­ngan nito na malampasan ang mga physical at mental obstacles, at self-discovery.

Pero hindi ito libre, pang-mayaman, almost P100,000 ang charge sa 3-day session.

Bagama’t kung may budget ka naman, malaking bagay ito upang mas maging magaan ang pagharap mo sa mga kinakaharap na obstacle sa buhay.


No comments:

Post a Comment