Gusto kong makisawsaw sa nangyayari ngayon kay Maris Rascal.
Nagtataka ako bakit siya affected sa issue, actually siya ang bongga dahil parang precious gem siya na pinag-aagawan.
Saka basta naniniwala ka na tama ang ginagawa mo, panindigan mo. Kung meron kang mali, ikaw lang ang puwedeng magtama nito. Walang pakialam ang iba.
Hayaan mo ang pagra-rant ng ex dahil past na siya sa story mo. Feeling bitter lang ang puwedeng sabihin ng isang ex na dapat tumahimik na dahil wala na siya sa istorya.
No looking back dapat ang mantra mo ‘pag ex ka na, move on ka na.
Nakakawala ng pride ‘yung wala ka na sa eksena sumasali ka pa. Hindi siya bongga, ‘di ba?
MoVe on na.
Mga bulaklak, bonggang panregalo!
Meaningful na naman ang Saturday ko kahapon na hanggang ngayon ay tulala pa ako sa rami ng flowers na ipinadala ng isa kong personal friend.
Iyon bang nag-isip ako bakit flowers, hindi fruits ang gift nila sa akin.
Siguro may meaning iyon, na maging maganda ang pananaw ko sa buhay, na maganda ang buhay ko kahit may sakit ako.
Thank you sa friend ko na si Vann sa flowers, talagang nagulat ako dahil ang gaganda. Parang feeling ko isa akong bride na napaligiran ng mga bulaklak.

No comments:
Post a Comment