Sunday, December 8, 2024

Dennis at Jennylyn, magkaiba ng taste sa negosyo


 BALITA NGAYON-Ngayong taon lamang nagsimula sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang sariling production company. Nagsimula nang mag-produce ang mag-asawa sa pamamagitan ng BrightBurn Entertainment. Bilang panimula ay nag-co-produce sina Dennis at Jennylyn para sa Green Bones na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2024 ngayong Kapaskuhan. “Masu­werte kami na ‘yung pinakaunang project ng BrightBurn ay ‘yung aming pelikula. Ngayon maraming mga nag-pitch sa amin ng mga projects at umaasa kami na marami pang magagandang ka-collaborate sa susunod na mga taon,” nakangiting pahayag ni Dennis.

Ang aktor ang tumatayong CEO o Chief Executive Officer habang si Jennylyn naman ang nagsisilbing presidente ng sariling kompanya. Bukod sa pagiging artista sa harap ng kamera ay nai-enjoy ngayon ng mag-asawa ang pagiging Producer. “Masaya kami na ‘yung mga ideas namin, navo-voice out na namin at nama-materialize namin into projects na noon pa namin gusto gawin na hindi namin nagawa no’ng mga artista pa kami. So ito ‘yung parang naging chance namin nai-envision,” paliwanag ng Kapuso actor.

Nararamdaman umano ni Dennis na darating ang panahon na magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Jennylyn nang dahil sa bagong negosyo. “Sa ngayon wala pa, bago pa lang. Pero hindi imposible na mangyari ‘yon kasi siyempre magkakaiba kami ng taste. Pero ang importante, nagkakasundo kami sa isang bagay at pinag-uusapan namin kung ano ‘yung bagay na ‘yon na kailangan naming pagkasunduan,” natatawang pahayag ng aktor at prodyuser


No comments:

Post a Comment