Friday, December 13, 2024

 

Ayaw nang magsalita pa ng aktor na si Enrique Gil tungkol kay Liza Soberano.

Nang tanungin siya sa isang interview para sa promo ng kanyang pelikulang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital ay may isisingit sanang tanong tungkol sa aktres pero mas pinili niyang huwag na itong sagutin.

Ayaw raw niyang gamitin si Liza para sa kahit anong promo at mas gusto lamang niyang pag-usapan ang pelikula nila na isa sa entry sa Metro Manila Film Festival.

Na-appreciate naman ng mga tagahanga niya ang pagiging gentleman niya.

Mukhang natuto na raw ito dahil naba-bash ito tuwing nagsasalita siya tungkol sa dating ka-loveteam habang nagpo-promo sa kanyang proyekto. Naaakusahan siyang ginagamit ito para mapag-usapan.

Hindi na nga raw nito kailangan pa ang aktres dahil kaya na raw nitong mag-solo sa project.

Pinuri pa nga siya sa pelikula niya na very out of the box daw at nagustuhan nila ang pag-arte nito sa iba’t ibang role kesa sa mga dati niyang ginagawa.


No comments:

Post a Comment