Tumpak ang ating hinala, inihabol na in-endorse na rin ni Megastar Sharon Cuneta ang pelikula ni Ate Vi (Vilma Santos) na Uninvited! At heto ang masaya, invited si Shawie sa Konsyerto Sa Palasyo para sa Pelikulang Filipino. Magkikita-kita ang lahat sa Malacañang sa Linggo. Pati nga si Hilda Koronel (na kasama ni Sharon sa MMFF entry niya noon na Crying Ladies ay pupunta rin daw).
Tama ba ang ating narinig na ang tatlong kumpirmadong hindi makiki-Konsiyerto sa Palasyo ay sina Judy Ann Santos (Espantaho), Nadine Lustre (Uninvited) at Bituin Escalante (Isang Himala)? Bakit kaya?

No comments:
Post a Comment