Hanggang kahapon ka-text ko si Yasmien Kurdi, malungkot at nag-aalala pa rin siya sa kanyang panganay anak na si Ayesha, pagkatapos ng pambu-bully sa eskwelahan ng anak.
Kamakailan lang ay ipinost ni Yasmien sa kanyang social media account ang nangyaring pambu-bully umano ng ilang classmates niya.
Kaya nag-decide muna siyang mag-leave ang kanyang anak, dahil sa bigat na pinagdaanan niya at ipinarating ito ni Yasmien sa school.
Bahagi ng FB post nito, “Ayesha took a vacation to relieve the stress caused by another students who harassed her by taking video without her consent. This caused her paranoia and anxiety.”
Kinumusta ko kay Yasmien ang kanyang anak at nalulungkot siya dahil mukhang dumaan sa depression si Ayesha. “Hi Tito, eto nasa house lang po siya. Hindi po siya nakapag-take ng exam dahil very down ang bata. Most of the time, natutulog lang,” text ni Yasmien sa akin.
Kaya sinaggest ko sa kanya na mas mabuting hingin ang tulong child psychologist. Ipapa-schedule na nga raw nila.
May isa pang post si Yasmien na umiiyak dahil nakukunsinti pa raw ng magulang ang anak nilang nam-bully.
Meron pang ipinost si Yasmien na kuha ng litrato ni Ayesha na pinaggupit-gupit. Nasa caption niya, “Maiiyak ka na lang talaga.”
Sabi pa niya, “Nadurog ang puso ko ng makita ko ito sa taas ng desk ng anak ko (sad and heartbroken emoji).”
May isa pang post ang Kapuso singer/actress na kasama naman niya ang kanyang dalawang anak.
Mahirap itong pinagdadaanan ni Ayesha, pero tiyak na mabigat din ito para kina Yasmien at Rey Soldevilla na dumadaan sa ganung karanasan ang kanilang anak.

No comments:
Post a Comment