Ang Senado ang pangunahing institusyon na dapat makusdiya kay Alice Guo."
Itong ang iginiit ni Senate majority Leader Frances Tol Tolentino sa Senate Inquiry sa human traficking at illegal POGO operations na nauugnay kay Guo noong siya ay nasisilbing alkalde ng Bamban Tarlac.
Sa kanyang interpellation sa maraton inquiry, nanindigan si Tolentino na ang tanging valid arrest warrant para kat Guo ay ang inilabas ng Senado ng Pilipinas.
"As we Speak..isa na lang po ang natitirang warrant of arrest coming from the Senate" ulat ni Tolentino na pinamumunuan ni Senator Risa Hotiveros.
Upang idiin ang kanyang punto, tinanong ni Tolentino na isang abogado at propesor ng batas, si Undersecretary Nicholas Felix Ty ng Department of Justice(DOJ)sa usapin ng hurisdiksyon ng korte sa mga pampublikong opesyalna kinasuhan ng mga criminal offence sa ilalim ng Republic Act(A) 106600.
Tinanong ni Tolentino ang DOJ undersecretary kung sa tingin niya ay may tamang hurisdiksyon ang Branch 109 ng Region Trial Court (RTC) sa Capas Tarlac nang maglabas ito ng warrant of arrest laban kay Guo noong Setyembre 5, 2024.
Binanggit ng Senador na sa ilalim ng RA 10600, ang mga pampublikong opisyal ay lilitisin sa isang hudisyal na rehiyon "maliban sa" kung saan ang opisyal ay humahawak ng katungkulan."
Ipinunto ni Tolentino na dahil si Guo ay alkalde ng Bamban nanggawin umano niya ang mga paglabag na inaakusa laban sa kanya, ang Branch 10 ng RTC sa Capas, kung saan isinampa ng mga tagausig ng goberno ang kaso. ay walang hurisdiksyon sa na-dismiss na alkade sa ilalim ng RA 10660.
" Ang tanong ko lang , tama ba na sa Capas fi-nile?tanong ni Tolentino kay TY.

No comments:
Post a Comment