Tuesday, September 10, 2024

DIRECT FLIGHTS MULA PINAS PATUNGONG PARIS, POSIBLENA SA DISYEMBRE!




 Magsisimula nang mag-operate ang direct flights mula Pilipinas patungong Pris sa darating na Disyembre ngaong taon. 

Inanunsyo ito ni French Ambassador in Manila Marie Fotanel sa isang Press briefing nitong Martes Setyembre 10, 2024.

Ani Fontanel, layo ng naturang hakbang na palakasin ang pagpapalitan ng turismo hindi lamang ng Pilipinas at France, ngunit maging sa Pilipinas at European Union.

Ayon nman kay Air France KLM General Manager  Femke Kroese, sisimulang i-operate ang direct flights papuntang Paris sa Disyembre 8,2024

Inaasahan umano ang operasyon ng Manila-Paris direct flights tuwing Martes, Huwebes at Lingo, kung saan nasa 14 oras daw ang magigingtagal ng biyahe.

Samantala, Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Butista na handa  ang Ninoy Aquino International Airport(NAIA) upang masiguro at mayos na operasyon ng Air France sa bansa.

No comments:

Post a Comment