Tuesday, September 10, 2024

PHP 775 MILYONG SHABU NASABAT SA CAVITE, 3 DRUG DEALERTIMBOG


 Umiskor ang mga operation PNP Drug Emforcement Group (PDEG) Calabarzon nang kanilang masabat ang may 114 kilong shabu o katumbas ng mahigit P775 Milyong na ikinaaresto ng tatlong big-time drug dealer kabilang ang isang negosyate sa iniltag na magkasuod na buy-bust operation sa Imus City, dito sa llawigan kamakalawa  ng gabi.

Ang unang operation ay inilatag ng pinagsanib na puwersa ng PDEG Special Operation Unit (SOU) 4-a sa pamumuno ni PLt. MermelP. Avenilla, kasam ang PNP DEGIFLD, Philippines Drug EnforcementAgency PDEA 4-A PDEA NCR Regional Intelligece unit (RIU)4-A at Imus City Police, Dakong Alas 6:26 ng gabi sa kahabaan ng lavander st. Brgy. Pasong Buaya II Imus City.

Sa unang buy-bust operation, naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Larry Matin Didel, 37-anyos, mekaniko, at umanoy kasbwat nitong si Jan REy Estrella, 26, motor shop owner, kapwa high value individual HVI target ng pulisya at kilala umanong mga big-timedrugdealer at pusher sa Region 4-A

Isang poseur buyer ang nakabili s mga suspek ng 1000 gramo 1kilo ng shabu, at na samsaman pa sila ng kargadang 109 kilograms ng shabu. Nagkakahalaga lahat s Php 748,000,000 ang nakumpiskang droga sa dalawang drug suspect.

Sinundan pa dakong alas (:59 ng gabi ng nasabing ring araw ang buy-bust operation ng PDEG sa pangunguna ni PLt. Home Guiamalon, katuwang ang SOU4-A PDEA at Imus City Police sa Brgy. Buhay na Tubig ng nasabi ring lungsud.

No comments:

Post a Comment