Hindi pinapalampas ni Senador Raffy Tulfo ang mistulang pagbalewala ng isang undersecretary ng Department of Transportation (DOTr ) na ngumingisi habang iniisa-isa niya ang mga kapalpakan ng ahensiya.
Sa pag dinig ng panukalang 2025 budget DOTr , napuna ni Tulfo na tumatawa si Usec Reinier Paul Yebra kaya tinanong niya ito kung nakakatawa na ang kanyang sinabi na maraming katiwalian sa DOTr at natutulog sa pansitan at kangkungan ang mga namumuno ng ahensiya.
Nang magsimula nang magprisinta si DOTr Secretary Jaime butista ng kanilang budget proposal muling napansin ni Tulfo na nakangiti si Yebra.
"Makasingit lang Usec. Yebra kanina kapa ngiti ng ngiti. Mamya maaalis an ngiti mo. Dahill napag-alaman ko yung iniskortan iyo na nahuli sa bus lane ang tatay noon kasamahan niyo. Now Dont make this laughing matter Okay? ani ni Tulfo.Nag babanta pa si Tulfo na ipapacontempt si Yebra.
"Kanina kapa nakangisi eh. mamaya ipapa-cite kita in contempt. Dont you ever do that" dagdag pa niya.
Inuli ni Tulfo ang banta na isisiwalat ang pagkakasangkot ng DOTr sa SUV driver na nahuling gumagamit sa Edsa Carousel lane noong hulyo 28.
Humingi naman ng paumanhin si Yebra at sinabing may mali sa kanyan ngipin dahil kaoopera pa lamang niya.
Muli namang binalikan ni Tulfo ang ginawa ng mga tauhan ng DOTr noong Hulyo 28 na sa halip hulihin ay inihatid pa sa condo ang nahuling driver ng SUV na si Christopher De Vera.

No comments:
Post a Comment