Wednesday, October 1, 2025

MySSS Card na may savings account inilarga


 Inilunsad ng Social Security System (SSS) ang MySSS Card na may dual function bilang official ID at debit card na konektado sa savings account.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Robert Joseph Montes De Claro, ang MySSS Card ang magsisilbing official ID kung saan papali¬tan nito ang Unified Multi-Purpose Identification (UMID) card at magagamit din na debit card na konektado sa savings account. Sinabi ni De Claro na ang card ay may nakakabit na EMV chief, naka-integrate sa Philippine Identification System (PhilSys) eVerify at biometric authentication.

Sa pamamagitan nito, ligtas at maginhawang maa-access ng mga miyembro ang benepisyo at loan sa SSS, gayundin ang pang-araw-araw na financial transaction.

Ang programa ng SSS ay bilang pagsunod sa direktibang inisyu ni Finance Secretary at SSS ex-officio Chair Ralph G. Recto na i-roll out ang mas mabilis na serbisyo sa mga pensioner at miyembro.

Contractor isinumbong sa ‘Pangulo’


 Inireklamo sa “Sumbong sa Pangulo” website ang isang construction firm sa Mindanao na nakakuha ng mara¬ming proyekto sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ini-report sa nasabing website ang P49.7 milyong kontrata na in-award sa ZMS Construction mula Dis¬yembre 2023 hanggang Abril 2025. 

Gayunman, sa record ng DPWH, ang ZMS Cons¬truction na minamay-ari ng maimpluwensiyang political clan sa Zamboanga del Sur, ay nakakorner umano ng tinatayang 50 kontrata tulad ng mga multipurpose building, kalsada at flood control project, na nagkakaha¬laga ng higit P1.5 bilyon ngayong taon lamang.

Ang ZMS Construction ay minamay-ari ng pamilya ni dating Zamboanga del Sur governor Victor Yu, na isang ci¬vil engineer. Ang ZMS ay tumutukoy sa Zamboanga Motor Supply na siyang unang negosyo ng pa¬milya sa lalawigan.

Si Victor Yu ang provincial governor mula 2019 hanggang 2025. Bago ito, dati siyang kinatawan ng 1st District ng lalawigan mula 2007 hanggang 2016. Ang asawa nitong si Di¬vina Grace Cabardo-Yu, ang incumbent governor ngayon ng Zamboang¬a del Sur.

Isko bet mga EV para sa mas malinis na Maynila


 Itinutulak ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagtatayo ng mas maraming electric vehicle (EV) store at charging station sa Maynila bilang bahagi ng kampanya para sa mas malinis at episyenteng transportasyon sa lungsod.

Nakipagpulong ang alkalde noong Martes, Setyembre 30, sa mga opisyal ng Build Your Dream (BYD), isa sa mga nangungunang EV manufacturer sa bansa, upang talakayin ang pagbubukas ng New Energy Vehicle store na makapagbibigay ng trabaho at dagdag na kita sa lungsod.

Sinubukan rin ni Domagoso ang ilang EV unit ng BYD at binigyang-diin na ang paggamit ng EV ay nakakabawas sa polusyon at makapagbibigay ng mas maaliwalas na pamumuhay para sa mga batang Maynila