Tuesday, September 30, 2025

Magalong sariling desisyon pagkalas sa ICI – Goitia


 Binatikos ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pahayag ni Ka Eric Celiz, sa isang video na si Baguio Mayor Benjamin Magalong ay nagbitiw dahil sa diumano’y panggigipit mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Giit ni Goitia na Chairman Emeritus ng apat na maka¬bayan at sibikong organisasyon na ang ganitong mga pahayag ay “kasangkapan ng panlilinlang” na layong baluktutin ang katotohanan at lasunin ang tiwala ng taumbayan.

“Si Mayor Magalong mismo ang nagpaliwanag na siya’y nagbitiw upang pangalagaan ang integridad ng pamahalaan kontra korapsiyon. Ito ay kanyang personal at may prinsipyong desisyon,” ani Goitia.

“Ang bersyon ni Ka Eric na may utos ang Pangulo na itigil ang imbestigasyon o kaya’y tumanggi si Magalong na makipagpulong sa MalacaƱang ay pawang kasinungali¬ngan. Walang ganoong utos mula kay Pangulong Marcos. Ito ay nilikhang maghasik ng kalituhan at magpahina sa integridad ng bayan.”

Mariing binatikos ni Goitia ang tangka ni Ka Eric na isabit ang Sandatahang Lakas sa kanyang mga kuwento. “Si Mayor Magalong mismo ang nagpaliwanag na siya’y nagbitiw upang pangalagaan ang integridad ng pamahalaan kontra korapsiyon. Ito ay kanyang personal at may prinsipyong desisyon,” ani Goitia.

“Ang bersyon ni Ka Eric na may utos ang Pangulo na itigil ang imbestigasyon o kaya’y tumanggi si Magalong na makipagpulong sa MalacaƱang ay pawang kasinungali¬ngan. Walang ganoong utos mula kay Pangulong Marcos. Ito ay nilikhang maghasik ng kalituhan at magpahina sa integridad ng bayan.”


‘Bagman’ ni Chiz alsa-balutan sa Robinsons firm


 Naghain ng kanyang resignation ang bil¬yonaryong si Maynard Ngu bilang independent director ng Altus Property Venture Inc, isang subsidiary ng Robinsons Land Corp.

Si Ngu, chief executive ng kompanyang nasa likod ng Cherry Mobile at nagsisilbi ring special envoy to China for trade and investments ay nakaladkad sa flood control scandal.

Sa hearing ng Senate Blue Ribbon committee noong nakaraang linggo, isiniwalat ni dating Public Works and Highways Undersecretary Roberto Bernardo na binigyan ng P160 milyong kickback si Senador Francis “Chiz” Escudero sa pamamagitan ni Ngu.

Isiniwalat ni Bernardo na personal niyang nakausap si Escudero sa Cork Wine Bar kung saan humiling ito na magbaba ng pondo sa kanya.

Sa regulatory filing nitong Martes, ipi¬nabatid ng Altus na tinanggap ng board of directors ang resignation ni Ngu epektibo nitong Setyembre 29, 2025.

Bukod sa pagpapatakbo ng Cosmic Technologies, na siyang gumagawa ng Cherry Mobile, si Ngu ang nagmamay-ari ng Cork Wine Bar at sinasabing co-owner din ng Luxelle PH, isang luxury retail firm kung saan business partner si Heart Evangelista.

Nagbigay rin ng P30 milyong donasyon si Ngu sa kandidatura ni Escudero noong 2022 elections at sa wine bar niya isinagawa ang renewal ng wedding vow nina Chiz at Heart noong nakaraang taon.

Lacson nagparinig sa taong maingay


 Tila may pasaring si Se¬nate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson sa kanyang post sa social media noong Lunes at nitong Martes.

“A wise man once taught me – the best res¬ponse to nonsense is silence,” sabi ni Lacson sa X [dating Twitter] noong Lunes.

Binanggit naman ng senador nitong Martes ang isang kasabihan na ang pinakamaingay sa silid ay siyang pinakamahina.

“There is one saying – The loudest one in the room is the weakest. He is very vocal, boastful and aggressive so he can create an image of strength through noise. It is best to ignore and make him stand on an empty platform,” sabi pa ni Lacson.

Ginawa ng senador ang post matapos mag-privilege speech si Senador Rodante Marcoleta noong Lunes at batikusin si Lacson dahil hindi man lang nagbigay ng courtesy nang iharap sa Senate Blue Ribbon committee ang testigong si Marine MSgt. Orly Guteza.