Binatikos ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pahayag ni Ka Eric Celiz, sa isang video na si Baguio Mayor Benjamin Magalong ay nagbitiw dahil sa diumano’y panggigipit mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Giit ni Goitia na Chairman Emeritus ng apat na maka¬bayan at sibikong organisasyon na ang ganitong mga pahayag ay “kasangkapan ng panlilinlang” na layong baluktutin ang katotohanan at lasunin ang tiwala ng taumbayan.
“Si Mayor Magalong mismo ang nagpaliwanag na siya’y nagbitiw upang pangalagaan ang integridad ng pamahalaan kontra korapsiyon. Ito ay kanyang personal at may prinsipyong desisyon,” ani Goitia.
“Ang bersyon ni Ka Eric na may utos ang Pangulo na itigil ang imbestigasyon o kaya’y tumanggi si Magalong na makipagpulong sa Malacañang ay pawang kasinungali¬ngan. Walang ganoong utos mula kay Pangulong Marcos. Ito ay nilikhang maghasik ng kalituhan at magpahina sa integridad ng bayan.”
Mariing binatikos ni Goitia ang tangka ni Ka Eric na isabit ang Sandatahang Lakas sa kanyang mga kuwento. “Si Mayor Magalong mismo ang nagpaliwanag na siya’y nagbitiw upang pangalagaan ang integridad ng pamahalaan kontra korapsiyon. Ito ay kanyang personal at may prinsipyong desisyon,” ani Goitia.
“Ang bersyon ni Ka Eric na may utos ang Pangulo na itigil ang imbestigasyon o kaya’y tumanggi si Magalong na makipagpulong sa Malacañang ay pawang kasinungali¬ngan. Walang ganoong utos mula kay Pangulong Marcos. Ito ay nilikhang maghasik ng kalituhan at magpahina sa integridad ng bayan.”

No comments:
Post a Comment