Monday, September 29, 2025

Marcoleta pumiyok sa konek ng esmi kina Discaya


 Itinanggi ni Senador Rodante Marcoleta na may koneksiyon ang kanyang misis sa mga kompanya nina Curlee at Sarah Discaya.

Sa interview ng DWAR Abante Radyo, sinabi ni Marcoleta na walang masama kung magsilbing independent director ng Stronghold Insurance ang misis niyang si Edna Marcoleta.

Sabi ni Marcoleta, ang independent director ay walang pagmamay-ari sa isang kompanya, walang kinalaman sa management at walang relasyon, second degree at civil affinity sa mga shareholder.

Nagpaliwanag naman si SAGIP Party-list Rep. Paolo Marcoleta na kahit ang insurance company ang nag-isyu ng bond sa mga flood control project ng mga Discaya, wala pa ring kinalaman dito ang isang independent director ng insurance firm.

“An independent director is not an employee of the company, has no such material ties, no substantial shares, no hand in sales and marketing activities, no significant professional relationships with the company or its stakeholders,” paliwanag ni Rep. Marcoleta.


Escudero nanisi imbes na magpaliwanag – Romualdez Abante News September 29, 2025

 

Tinawag na DDS [Duterte Die-hard Supporters] script ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang privilege speech ni Sen. Francis Escudero na malinaw umanong ginawa upang paglingkuran at ipakita ang loyalty nito kay Vice President Sara Duterte.

“I listened to the privilege speech of Sen. Chiz Escudero. With respect, what we heard was not an exposé but a DDS script — the same recycled accusations we have long seen on troll pages and social media posts. Walang bago, at wala ring katotohanan,” sabi ni Romualdez.

Sa halip na sagutin ang mga seryosong alegasyon laban sa kanya, sinabi ni Romualdez na mas pinili ni Escudero na ilihis ang isyu.

“He did not deny the allegations against him. He did not explain his own role in flood-control kickbacks. Imbes na magpaliwanag, nanisi siya,” sabi ng dating Speaker.

“Malinaw naman ang katotohanan: ang talum¬pati ni Sen. Escudero ay hindi tungkol sa pananagutan, kundi para isulong ang kanyang personal na ambisyon,” dagdag pa nito.

Ayon kay Romualdez ang “performance” ni Escudero ay “designed to profess loyalty and service to Vice President Sara Duterte, and to position himself as her ally for 2028.”

“Ang tunay na pinagsisilbihan ay hindi ang katotohanan, kundi ang sariling interes at plano sa politika,” sabi ng solon.

“For my part, I will continue to cooperate with every impartial investigation. My record can withstand scrutiny. Wala akong itinatago. As for Sen. Escudero, kung tunay na pananagutan ang hanap, sa presinto na siya magpaliwanag,” dagdag pa ni Romualdez.


 Naniniwala si Vice President Sara Duterte na hindi na matatag ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa gitna ng alegasyon ng korapsiyon kung saan sangkot ang maraming mambabatas.

“No,” sagot ni VP Sara nang matanong sa press conference sa Senado kung matatag ang administrasyon ni Pangulong Marcos.

“Our institutions are clearly abused. They are used for personal gain. They are used for personal gain. And we have already seen the testimony of witnesses about corruption. And there is practically nothing happening in our country,” dagdag pa ng Bise Presidente.

Personal na dumalo si Duterte nitong Lunes sa pagdinig ng Senate finance committee para depensahan ang panukalang 2026 budget ng Office of the Vice President na nagkakahalaga ng P902.895 milyon.

“Ilang ulit ko na ‘yan sinasabi noon na tigilan ‘yung politika, tigilan ‘yung pag-una sa pansariling interes kasi walang nangyayari sa ating bansa. Meron ba kayo nakikita at all na project na nakatulong sa ating bayan? Wala” diin Dutete.

Hindi naman nagbigay ng komento si Duterte ng tanungin ang tungkol sa moral ng Armed Forces of the Philippines.

“‘Di ko alam, ‘di ako makapagsalita sa morale ng mga sundalo, pinakamabuti na magsalita sila na mismo,” sabi pa niya.