Monday, September 29, 2025


 Naniniwala si Vice President Sara Duterte na hindi na matatag ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa gitna ng alegasyon ng korapsiyon kung saan sangkot ang maraming mambabatas.

“No,” sagot ni VP Sara nang matanong sa press conference sa Senado kung matatag ang administrasyon ni Pangulong Marcos.

“Our institutions are clearly abused. They are used for personal gain. They are used for personal gain. And we have already seen the testimony of witnesses about corruption. And there is practically nothing happening in our country,” dagdag pa ng Bise Presidente.

Personal na dumalo si Duterte nitong Lunes sa pagdinig ng Senate finance committee para depensahan ang panukalang 2026 budget ng Office of the Vice President na nagkakahalaga ng P902.895 milyon.

“Ilang ulit ko na ‘yan sinasabi noon na tigilan ‘yung politika, tigilan ‘yung pag-una sa pansariling interes kasi walang nangyayari sa ating bansa. Meron ba kayo nakikita at all na project na nakatulong sa ating bayan? Wala” diin Dutete.

Hindi naman nagbigay ng komento si Duterte ng tanungin ang tungkol sa moral ng Armed Forces of the Philippines.

“‘Di ko alam, ‘di ako makapagsalita sa morale ng mga sundalo, pinakamabuti na magsalita sila na mismo,” sabi pa niya. 

No comments:

Post a Comment