Itinanggi ni Senador Rodante Marcoleta na may koneksiyon ang kanyang misis sa mga kompanya nina Curlee at Sarah Discaya.
Sa interview ng DWAR Abante Radyo, sinabi ni Marcoleta na walang masama kung magsilbing independent director ng Stronghold Insurance ang misis niyang si Edna Marcoleta.
Sabi ni Marcoleta, ang independent director ay walang pagmamay-ari sa isang kompanya, walang kinalaman sa management at walang relasyon, second degree at civil affinity sa mga shareholder.
Nagpaliwanag naman si SAGIP Party-list Rep. Paolo Marcoleta na kahit ang insurance company ang nag-isyu ng bond sa mga flood control project ng mga Discaya, wala pa ring kinalaman dito ang isang independent director ng insurance firm.
“An independent director is not an employee of the company, has no such material ties, no substantial shares, no hand in sales and marketing activities, no significant professional relationships with the company or its stakeholders,” paliwanag ni Rep. Marcoleta.

No comments:
Post a Comment