Wednesday, September 24, 2025

Perang kinurakot sa flood scam ibalik sa taumbayan – Marcos

 

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibalik ang pera sa taumbayan ng mga sangkot sa maanumalyang flood control projects.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press officer Undersecretary Atty.Claire Castro na hindi ang sapat na masampahan ng kaso at makulong ang mga sangkot sa nasabing anomalya.

Ayon pa kay Castro unti-unti nang nagbubunga ang pinasimulan ni Pangulong Marcos Jr. na pagpapa-imbestiga sa maanomalyang flood control projects sa bansa kaya mabilis na kumilos ang Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga ahensiya ng gobyerno.

“Kahit sino pa kayo, basta sangkot kayo, mananagot kayo iyan ang nais ng Pangulo,” saad pa ni Castro. Dahil dito kaya sinampahan na ng kaso ang mga sangkot sa anomalya at maging ang kanilang mga ari-arian ay na-freeze na rin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Kabilang aniya sa na-freeze ang assets ay ang 11-registered air assets ni Congressman Zaldy Co na aabot sa P5 bilyon at mga sasakyan na halos P500 milyon na umano’y mula sa mga contractors at iba pang indibiwal. Kabilang na ang mga Discaya.

Sinabi pa ni Castro, na ang pag-freeze ng mga assets ng mga sangkot sa flood control projects ay kabilang sa serbisyong hangarin ni Pangulong Marcos para makuha ang mga ito at maibalik ng pera sa taumbayan. 

Lamborghini, Ferrari isinuko ni Hernandez sa ICI

 

The P30-million Lamborghini Urus of former Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Assistant District engineer Brice Hernandez is now at the Independent Commission for Infrastructure (ICI) headquarters in Taguig City after he surrendered it on Wednesday, 24 September 2025.

Hernandez yesterday surrendered his P12-million GMC Denali to the ICI. The dismissed DPWH engineer is also set to turn over a Ferrari worth P58 million and his motorcycles as well

Isinurender na sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ni dating DPWH Assistant Engineer Brice Hernandez ang kanyang mga luxury car na Lamborghini at Ferrari.

Nauna nang isinuko sa ICI noong nakaraang linggo ni Hernandez ang kanyang black GMC Yukon Denali na tinatayang nagkakahalaga ng P12 million sa pagsisimula ng imbestigasyon ng ICI sa maanomalyang flood control projects sa bansa.

Ayon naman kay ICI Adviser at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, hindi naman kaagad nadala sa ICI ang Ferrari dahil ayaw itong umandar.

“Nandiyan na din yung Ferrari pero kaila­ngan dadalin yung ­eksperto kasi hindi ma-charge, hindi ma-start,” sabi ni Magalong.

Ang P30-million Lamborghini Urus ni Hernandez ay nasa ICI headquarters sa Taguig City.

Nangako din si Hernandez na bukod sa mga mamahaling sasakyan ay isusurender din ang kanyang mga mamahaling motorsiklo.

Sinabi ni Magalong na sasailalim sa kanilang kustodiya ang mga mamahaling sasakyan para sa proper disposition at naaayon sa batas.

Kahapon ay personal na nagtungo sa tanggpan ng ICI sa BGC, Taguig sina dating DPWH Bulacan first district engineer Henry Alcantara at Assistant engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza para tumestigo sa flood control scam.

Na i-turn over na rin nina Hernandez at Mendoza sa Department of Justice (DOJ) ang kanilang computer CPU na naglalaman ng listahan ng maanomalyang flood control projects.

6 senador sabit sa flood control scam - Fortun


 Anim na senador na kinabibilangan ng 4 na incumbents o kasaluku­yang nakaupo sa puwesto at dalawang wala na sa Senado ang nakita sa mga dokumento sa computer ni dating Bulacan 1st District Asst. engineer Brice Hernandez, ayon kay Atty. Raymond Fortun.

Si Fortun ang abogado ni Hernandez sa mga kinakaharap na usapin tungkol sa mga maanomalyang flood control projects.

Sa panayam ng One News ‘Storycon’, sinabi ni Fortun na may iba pang senador bukod sa mga naunang nabanggit ni Hernandez na sina Senators Joel Villanueva at Jinggoy Estrada.

Kabilang sa nabanggit na dating senador si Bong Revilla.

Makikita rin aniya sa records ang pangalan ng ilang mambabatas na naglagay ng alokasyon sa unang distrito ng Bulacan.

“The list can actually be longer, because Brice said there are more inside that computer,” ani Fortun.

Matatandaan na ­unang nabunyag ang mga palpak na flood control projects nang magsagawa ng inspeksiyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pinangalanan din ni Marcos ang 15 contractors na nakakuha ng napakaraming flood control projects sa gobyerno.