Wednesday, September 24, 2025

Perang kinurakot sa flood scam ibalik sa taumbayan – Marcos

 

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibalik ang pera sa taumbayan ng mga sangkot sa maanumalyang flood control projects.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press officer Undersecretary Atty.Claire Castro na hindi ang sapat na masampahan ng kaso at makulong ang mga sangkot sa nasabing anomalya.

Ayon pa kay Castro unti-unti nang nagbubunga ang pinasimulan ni Pangulong Marcos Jr. na pagpapa-imbestiga sa maanomalyang flood control projects sa bansa kaya mabilis na kumilos ang Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga ahensiya ng gobyerno.

“Kahit sino pa kayo, basta sangkot kayo, mananagot kayo iyan ang nais ng Pangulo,” saad pa ni Castro. Dahil dito kaya sinampahan na ng kaso ang mga sangkot sa anomalya at maging ang kanilang mga ari-arian ay na-freeze na rin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Kabilang aniya sa na-freeze ang assets ay ang 11-registered air assets ni Congressman Zaldy Co na aabot sa P5 bilyon at mga sasakyan na halos P500 milyon na umano’y mula sa mga contractors at iba pang indibiwal. Kabilang na ang mga Discaya.

Sinabi pa ni Castro, na ang pag-freeze ng mga assets ng mga sangkot sa flood control projects ay kabilang sa serbisyong hangarin ni Pangulong Marcos para makuha ang mga ito at maibalik ng pera sa taumbayan. 

No comments:

Post a Comment