Anim na senador na kinabibilangan ng 4 na incumbents o kasalukuyang nakaupo sa puwesto at dalawang wala na sa Senado ang nakita sa mga dokumento sa computer ni dating Bulacan 1st District Asst. engineer Brice Hernandez, ayon kay Atty. Raymond Fortun.
Si Fortun ang abogado ni Hernandez sa mga kinakaharap na usapin tungkol sa mga maanomalyang flood control projects.
Sa panayam ng One News ‘Storycon’, sinabi ni Fortun na may iba pang senador bukod sa mga naunang nabanggit ni Hernandez na sina Senators Joel Villanueva at Jinggoy Estrada.
Kabilang sa nabanggit na dating senador si Bong Revilla.
Makikita rin aniya sa records ang pangalan ng ilang mambabatas na naglagay ng alokasyon sa unang distrito ng Bulacan.
“The list can actually be longer, because Brice said there are more inside that computer,” ani Fortun.
Matatandaan na unang nabunyag ang mga palpak na flood control projects nang magsagawa ng inspeksiyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pinangalanan din ni Marcos ang 15 contractors na nakakuha ng napakaraming flood control projects sa gobyerno.
No comments:
Post a Comment