Sunday, September 21, 2025

Sunday protest, warning sa mga opisyal ng gobyerno “


  Loud and clear!!! Kailangan ayusin naming lahat ang trabaho namin sa gobyerno at iwasan mahulog sa korapsyon”.

Ito ang tugon ni Sen. Erwin Tulfo, hinggil sa kanyang reaksyon sa kilos protesta nitong Linggo sa Luneta sa Maynila at People Power Monument sa EDSA, Quezon City.

“That they (people) are watching and they are tired of corruption”, dagdag pa ng mambabatas.

Aniya, “mensahe ng sambayanan  ito sa gobyerno  na shape up or we will take control”.

 Loud and clear!!! Kailangan ayusin naming lahat ang trabaho namin sa gobyerno at iwasan mahulog sa korapsyon”.

Ito ang tugon ni Sen. Erwin Tulfo, hinggil sa kanyang reaksyon sa kilos protesta nitong Linggo sa Luneta sa Maynila at People Power Monument sa EDSA, Quezon City.

“That they (people) are watching and they are tired of corruption”, dagdag pa ng mambabatas.

Aniya, “mensahe ng sambayanan  ito sa gobyerno  na shape up or we will take control”.


Malacañang isinailalim sa lockdown; utak ng gulo kikilalanin

 

Isinailalim sa mahigpit na lockdown ang Malacañang kahapon matapos umiral ang tensiyon sa bahagi ng Ayala Bridge at tangkaing lusubin ng mga raliyista ang compound.

Sinunog ng ilang grupo ng mga kalalakihan ang gulong ng isang container van na nagsilbing harang patungo sa Malacañang Complex.

Ayon sa ulat, walang pinayagang lumabas, kahit mga residente sa Malacañang Complex, at iisang gate lamang na nasa J.P. Laurel/Nagtahan ang bukas upang masigurong walang makakapuslit papasok sa Malacañang.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, naka-monitor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kaganapan at nakarating na rin sa kanya ang nangyaring tensiyon sa Ayala Bridge. “Nagmo-monitor ang Pangulo, asahan ninyo na ang Pangulo ay nandidiyan. Kaya hindi niya itinuloy ang pagbiyahe para malaman din niya at madinig kung ano ang tunay na hinaing ng mga tao,” ani Castro.

Hindi naniniwala si Castro na walang nag-utos sa grupo na manunog at manggulo sa malaking kilos-protesta.

Sinabi ni Castro na bilang abogado, isang mala­king kuwestiyon kung paano nagkita-kita ang grupo at lahat ay nambato at manunog.

Nais ng Malacañang na malaman kung sino ang utak sa panggugulo.

Sino ba ‘yung sanay sa mga ganitong harassment? Sino ba ang gusto nilang iangat dito at sino ang gusto nilang pabagsakin?” ani Castro.

Ipinunto rin ni Castro na naka-maskara ang mga nanggulo kaya malinaw na masasamang elemento ang mga ito at maaaring kasuhan ng sedition.

“Itong mga ito, tingnan n’yo ha, mga naka­maskara sila. Kung matapang sila, ilabas nila ang mukha nila,” ani Castro.

Ipinahiwatig din ni Castro na ang gumagawa ng krimen ay ang mga gustong magpabagsak sa Pangulo at gustong umangat sa puwesto.

“Sino ba ‘yung sanay sa mga ganitong harassment? Sino ba ang gusto nilang iangat dito at sino ang gusto nilang pabagsakin?” ani Castro.

Huwag maghalal ng korap – Castro

May kapangyarihan ang mga Pilipino na sugpuin ang korapsiyon kung titigilan ang paghahalal ng mga korap, ayon sa isang opisyal ng Malacañang.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hindi lamang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang may kakayahang wakasan ang sistema ng dekada ng korapsiyon sa gobyerno kundi mismong ang mga mamamayan na naghahalal sa mga pinuno ng gobyerno.

Ipinaalala ni Castro na may obligasyon ang mga mamamayan na pumili ng tamang lider.

Sinabi ni Castro na paulit-ulit na lamang ang mga pulitiko at hindi nadadala ang mga botante na nabibigyan ng P500. “Paulit-ulit na lang nandiyan pa rin sila, hindi rin tayo nadadala ‘yung mga botante hindi rin nadala so porke’t sasabihin nila nagbigay ng 500 [pesos] boto na. Hindi dapat ganoon matuto tayo,” ani Castro sa panayam ng ABS-CBN.

Kahit aniya gaano kaganda ang mga batas ay malulusutan ng mga hindi tamang lider.

“Kahit gaano kaganda ‘yung batas, kung ‘yung lider may utak kriminal gagawa at gagawa ‘yan [ng paraan] para makalusot. Ang pinakamaganda rito… taumbayan ang mamili ng tamang lider,” dagdag ni Castro.

Nilinaw ni Castro na suportado ni Marcos ang mga nangyaring rally upang maipabatid sa mga nang-abuso na hindi dapat ninanakaw ang pondo ng publiko.

Matatandaan na nagsimula kay Marcos ang pagsisiwalat ng mga palpak na flood control projects nang magsagawa siya ng inspeksiyon sa iba’t ibang proyekto sa Bulacan.

“Sinimulan niya ito, siguro para mamulat ‘yung mga tao pero ang pagmulat na ‘to sana wag silang makakalimot. Dapat magtuluy-tuloy ito, dahil ito ang gusto ng Pangulo labanan ang korapsiyon kasi otherwise kung hindi niya ito sinimulan mananatiling namamayagpag ‘yung mga ‘yan nagpapayaman pa rin,” ani Castro.