Isinailalim sa mahigpit na lockdown ang Malacañang kahapon matapos umiral ang tensiyon sa bahagi ng Ayala Bridge at tangkaing lusubin ng mga raliyista ang compound.
Sinunog ng ilang grupo ng mga kalalakihan ang gulong ng isang container van na nagsilbing harang patungo sa Malacañang Complex.
Ayon sa ulat, walang pinayagang lumabas, kahit mga residente sa Malacañang Complex, at iisang gate lamang na nasa J.P. Laurel/Nagtahan ang bukas upang masigurong walang makakapuslit papasok sa Malacañang.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, naka-monitor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kaganapan at nakarating na rin sa kanya ang nangyaring tensiyon sa Ayala Bridge. “Nagmo-monitor ang Pangulo, asahan ninyo na ang Pangulo ay nandidiyan. Kaya hindi niya itinuloy ang pagbiyahe para malaman din niya at madinig kung ano ang tunay na hinaing ng mga tao,” ani Castro.
Hindi naniniwala si Castro na walang nag-utos sa grupo na manunog at manggulo sa malaking kilos-protesta.
Sinabi ni Castro na bilang abogado, isang malaking kuwestiyon kung paano nagkita-kita ang grupo at lahat ay nambato at manunog.
Nais ng Malacañang na malaman kung sino ang utak sa panggugulo.
Sino ba ‘yung sanay sa mga ganitong harassment? Sino ba ang gusto nilang iangat dito at sino ang gusto nilang pabagsakin?” ani Castro.
Ipinunto rin ni Castro na naka-maskara ang mga nanggulo kaya malinaw na masasamang elemento ang mga ito at maaaring kasuhan ng sedition.
“Itong mga ito, tingnan n’yo ha, mga nakamaskara sila. Kung matapang sila, ilabas nila ang mukha nila,” ani Castro.
Ipinahiwatig din ni Castro na ang gumagawa ng krimen ay ang mga gustong magpabagsak sa Pangulo at gustong umangat sa puwesto.
“Sino ba ‘yung sanay sa mga ganitong harassment? Sino ba ang gusto nilang iangat dito at sino ang gusto nilang pabagsakin?” ani Castro.

No comments:
Post a Comment