Saturday, September 20, 2025

Pangulong Marcos: P60 bilyong excess funds ibabalik sa PhilHealth

 Ibabalik na sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang P60 bilyong pondo na dating ibinalik sa national treasury na mula naman sa natipid na budget na karamihan ay mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kanyang pagbisita sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Manila para siguruhin na naipapatupad ng maayos ang zero balance billing program.

“So I’m happy to be able to announce, dahil sa ating mga ­ginagawa, ­siguro alam naman ninyong lahat yung mga savings natin from Department of Pubic Works and Highways - yung P60 billion na yan ibabailik na natin sa PhilHealth,” pahayag pa ng Pangulo.

Dahil aniya ang P60 bilyong na gingamit sa iba’t ibang proyekto at nagkaroon na ng savings, kaya maibabalik na ito sa PhilHealth.

Pangulong Marcos namigay ng student beep cards

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand ­Marcos Jr. ang paglu­lunsad ng student beep card sa LRT Line 2 sa Legarda, Maynila.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang student beep card ay isang espesyal na beep card na nagbibigay ng 50% discount sa mga estud­yante sa pamasahe sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3.

“Napakalaking tulong yan, dahil alam naman natin, students are on a very, very tight budget. So we are very happy to be able to launch this new system to give the beep card to our students,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pinadali na rin aniya ang sistema sa paglo-load ng beep card, dahil kung dati bago makuha ang beep card pito hanggang 10 araw ang processing, subalit ngayon ay tatlong minuto na lamang basta magpakita ng katunayan na talagang estudyante sila.

‘Very sensitive’ info ikinanta ni Brice sa ICI

 Nagbigay ng mga sensitibong impormasyon si dating DPWH Assistant District Engineer Brice Hernandez sa unang pagharap nito sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Sinabi ito ni ICI Special Adviser at Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos i-turnover ni Hernandez ang isa sa kanyang mga luxury car.

Ang pagsuko rin aniya ni Hernandez ng kanyang luxury car ay bilang tanda ng kanyang kooperasyon na maki­pagtulungan sa ICI.

“Brice was very coope­rative, Mr Hernandez. His revelations were very relevant. And to cut it short, he was very tell-all,” pahayag pa ni Magalong.

Sa tanong kung nagbigay pa si Hernandez ng mga detalye kay Sens. Jinggoy Estrada at Joel Villanueva na pinangalanan niya sa pagdinig kamakailan ng Kamara, sinabi ni Magalong na mas marami pang binanggit si Hernandez.

“Just as I said, everything. He gave all the relevant information,” saad pa ng alkalde.